Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edward, namula nang ibukong mala-higante ang batuta

TOTOO ka, Ms. AiAi Delas Alas ‘di ka nagjo-joke, may “K” ang new face na new leading man ninyo nina Marian Rivera at Bianca Manalo sa pelikulang Kung Fu Divas na si Edward Mendez not only tall, dark and handsome, marunong siyang umarte dahil nag-workshop muna siya bago binigyan ng screen test ni Direk Onat Diaz.

Nagustuhan naman ni Direk Onat ang ginawang acting ni Edward kaya in na siya agad sa pelikulang Kung Fu Divas. Comedy action at kabilang pa rin sa pagdaraos ng 20th anniversary ng Star Cinema. Nasalang si Edward sa mga intriga sa gabi ng grand presscon ng said movie held at  Dolphy Theater recently, at favorite topic ‘yung malahiganteng batuta ng new actor na halatang hiyang-hiya dahil matagal na pinag-usapan ang malaking sukat ni Edward.

Naku, masanay ka na iho, ganyan sa showbiz, walang patawad, walang lihim talagang pag-uusapan ‘yan. Si AiAi mabilis ang mata! Pero wala namang dapat ikahiya you should be proud pa nga dahil malaki! Ganoon!

Ai Ai, nag-ala-Santa Claus kahiT September pa lang

ANG saya-saya ng presscon ng Kung Fu Divas lalo na si Marian Rivera dahil maraming “first” siya rito sa pelikulang ito. Like first with Ai Ai Delas Alas. First time ng pagsasanib ng Kapamilya Comedy queen at Kapuso Primetime queen. First time na nag-co-produce sila ni AiAi with Star Cinema Films, Reality Entertainment. First time na nag-promote ng pelikula sa ABS-CBN, first time with Direk Onat Diaz at first time na nag-training sa mga Chinese Kung Fu expert na hindi nila naiintindihan ni Ai Ai ang mga sinasabi.

Super happy din si Ai Ai dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala niya ng matagal at malalim si Marian. Nadiscover ni Ai na napakabait na tao ni Marian taliwas sa nababalitaan niya na suplada at sumpungin. At ang isa sa gusto ni Ai kay Marian ay laging nakatawa, parang walang problema, kaya masyadong nagkaroon sila ng bonding kaya pareho silang nalungkot nang magtapos ang shooting ng Kung Fu Divas.

Parehong memorable kina AiAi at Marian ang pelikula na magso-showing na sa October 2 sa mga sinehan. Kasama pa rin nila sina Nova Villa, Roderick Paulate, Precious Lara Quigaman, at Gloria Diaz.

Lalo pang pinasaya ni Ai Ai ang presscon na nag-ala-Santa Claus. Ginawa niyang Christmas in September at advance birthday niya sa November 11. Nagpa-raffle siya ng halos lahat ng entertainment press ay hindi umuwing luhaan. Iba-ibang amount ang inihanda ni Ms. Ai Ai at ng staff niya na si Andy. Pati nga ang aming lady editor ay win, pero ‘di ko siya na-sight kasi kapag wala ang nabunot ang name, hindi nila give.

Thanks my dear Lord, nag-win naman ako, dahil I need it. Grabe si Ms. Ai, dami datung, kaya daming guys ang type siya dahil dami nga datung. Joke!

(LETTY CELI)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …