PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MORE or less pala ay umaabot ng mahigit P50-M ang monthly payment ng TAPE Inc sa GMA7 para sa blocktime fee ng Eat Bulaga.
Napakalaking amount if ever na tama ang figure na nabalitaan namin.
At halos nagti-triple ito dahil sa daily expenses ng show na generous din sa pamimigay ng pera plus siyempre ang TF at suweldo ng mga nasa harap at likod ng produksiyon.
Kung ating susuriin ang sales at income ng show base sa nakikita nating advertisements nila, tila mukha ngang madaling iikli ang pisi ng TAPE Inc.
Hmmmm….