Thursday , June 4 2026
Andrea Brillantes Ricci Rivero

Pasabog ni Ricci posibleng ikasira ng career ni Andrea 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA naging panayam ni Kuya Boy Abunda kay Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda, lumalabas na si Andrea Brillantes ang unang naghamon ng break-up. At dahil competent athlete si Ricci, tinanggap ito.

Nagsalita na si Ricci dahil nadadamay at nasasaktan na ang kanyang pamilya. Idinenay niyang walang ganap sa kanila ng beauty queen turned politician na si Leren Mae Bautista.

Idinetalye rin niya ang babaeng naabutan ni Blythe (tawag kay Andrea) sa kanyang condo ay girlfriend ng kanyang kaibigan na isinama lang sa kanyang place. 

Ngayon, sagutin pa kaya ito ni Andrea na halata namang matatag at matapang sa sinapit ng kanyang lovelife?

Pero marami ang nag-react sa isyung ‘nag-live-in’ na sila.

Para sa mga kampi kay Andrea, hindi na raw dapat pang tinanong ‘yun ni Kuya Boy at hindi na rin sinagot ni Ricci.

Mas damaging daw para sa babae ang naturang isyu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …