Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryn Regis All Out Mel De Guia

Boses ni Sheryn tumaas pa matapos maoperahan sa lalamunan

MA at PA
ni Rommel Placente

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-20 anniversary sa music industry, magkakaroon ng concert si Sheryn Regis billed as Shery Regis All Out. Ito ay gaganapin sa July 8, 8:00 p.m. sa Music Museum.

Ayon kay Sheryn, hindi ibig sabihin na kaya All Out ang title ng kanyang concert ay dahil ipakikita niya rito ang tunay niyang identity/gender preference. Hindi raw ganoon.

Paliwanag niya, “All Out, kasi you know why? Marami akong sasabihin sa concert na ‘yan na hindi pa alam ng iba. Alam ninyo ‘yung stories of my journey?”

Ano ang aasahan ng audience sa kanyang concert?

Well, siyempre hindi mawawala ‘yung birit.

“This is another chance for me in life after I got a thyroid cancer.

“Akala ko, hindi na ako makakakanta.

“Eto ipakikita ko sa inyo na kaya ko pa. Kayang-kaya pa talaga.”

Hindi ba niya naramdaman na bumaba ang range ng boses niya?

“Actually, parang mas tumaas pa siya.

“Noong nag-record ako ng ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ ang sabi nga ni Sir Jonathan Manalo, ‘Kaya mo to! Kaya mo to.”

Akala ko nga hindi na talaga. Pero mas tumaas pa pala (boses).

Speaking of Gusto Ko Nang Bumitaw, kailan darating sa puntong sasabihin niya sa karelasyon niyang kapwa lesbian na si Mel de Guia na gusto niya nang bumitaw? Na suko na siya sa kanilang relasyon?

You know what, ang buhay, hindi talaga natin masasabi kung ano ang future, noh!

“One! Let love prevails. And if you have faith in God na nandyan talaga sa sentro ng relationship ninyo, tanggalin ‘yung pride ninyo, mawawala lahat ng pupuksa sa relationship na hinahawakan ninyo.”

Makakasama ni Sheryn sa kanyang anniversary concert sina Ima Castro, MMJ Magno, Dianne dela Fuente, Miss Tres, at JMRTN of Retrospect.

Mabibili ang tickets sa ticketworld.com.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …