Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aileen Choi Go Kim Chiu Megasoft

Kim tambay ng Padre Pio Church nang magkasakit ang kapatid

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG pagiging deboto ni Kim Chiu kay Santo Padre Pio ng Pietrelcina ang isa sa naging topic sa mediacon nang ilunsad ang aktres bilang brand ambassador ng Sisters Sanitary Napkins kamakailan.

Nabanggit ito ni Kim nang makumusta ang tungkol sa lagay ng kanyang kapatid na si Lakam na matagal naospital.

“Totoo talaga ang Padre Pio, isa talaga siyang miracle. Another miracle sa buhay ko na nangyari talaga.

“Ah ‘yun! Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Akala ko, wala na. Natakot talaga ako.

“Wala! Blangko! Nagkasakit pa ako. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Ang baba-baba na ng energy ko. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas.”

Matimtim daw na nanalangin si Kim sa simbahan ni Santo Padre Pio sa Libis sa Quezon City.

“Tambay na lang talaga ako sa Padre Pio church sa Libis. 

“Wala, doon lang ako buong araw,” kuwento ni Kim.

At parang himala na gumaling ang kanyang kapatid. Parang walang nangyari lang na balik sa dati, at punompuno na ito ng sigla at lakas.

Sobrang okay! Parang birthday! Happy birthday! Mag-enjoy ka, ganyan. So, God is really good sa lahat.’”

Dahil sa pinagdaanan ay natutunan ni Kim ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalusugan.

“Oo naman! We’ve been with each other side by side. Siya ang nasa harapan ko, parang ganoon. Siya talaga ‘yung lakas ko left and right, ang ate ko.

“Kaya noong nangyari ‘yun, snap lang talaga eh. Kaya kayo, alagaan niyo ‘yung health niyo. ‘Pag alam niyo na pagod na kayo…. talagang nag-advise pa ako. Pero ‘pag pagod na kayo, matulog na kayo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …