Sunday , May 19 2024

DI dapat makompiyansa ang petron

OO’t nasa unang puwesto ang Petron Blaze at mayroong twice-to-beat na bentahe kontra sa kanilang makakaharap sa quarterfinals ng 2013 PBA Governors Cup subalit hindi puwedeng magkompiyansa ang mga bata ni  coach Gelacio Abanilla III.

Bakit?

Kasi mabigat pa rin ang makakaharap nila sa susunod na yugto.

Makakalaban ng Boosters ang No. 8 team at sa sandaling isinusulat ito ay puwedeng Barangay Ginebra o TalkN Text ang makasungkit gn huling ticket sa quarterfials.

Hindi tiyak kung alin nga ang makakasagupa ng Petron. Pero kahit  na anong team pa iyon, aba’y hindi puwedeng maliitin.

Hindi naman bago sa PBA ang pangyayaring nasilat ng no. 8 team ang No. 1 squad, ‘di ba?

Nangyari na ito noong nakaraang season nang talunin ng Powerade ang SanMig Coffee sa quarterfinals. No. 8 seed ang Powerade pero nagawa nitong makarating sa Finals ng 2012 Philppine Cup.

Siyempre, puwede itong maulit.

At iyan ang ayaw na mangyari ni Abanilla.

Kasi nga naman mayasasayang lahat ng kanilang pagupunyagi.

Masasayang ang eight-game winning  streak ng Boosters kapag hinayaan nilang masilat sila ng No. 8 team.

Kung titignang maigi, ang talagang kalaban ng Petron Blaze Boosters ay ang mismong sarili nila.

Napakalakas ng koponang ito at ang potential ay limitless. Hindi pa talaga napapalabas ni Abanilla ang lahat ng puwedeng ilabas ng koponan.

Matagal na ngang inaasahang mamamayagpag ang Petron pero natagalan lang.

Huwag lang silang magpabaya, siguradong malayo ang kanilang mararating.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *