Thursday , June 4 2026
Gardo Versoza

Muling pagpapa-opera ni Gardo pinaghahandaan na

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGHAHANDA na ang aktor na si Gardo Versoza sa ikalawang angioplasty procedure na kailangang gawin sa kanya. Noong nakaraang Marso, dinala sa ospital ang aktor matapos atakihin sa puso.

Sa Instagram, nag-post ng video si Gardo na nagsasayaw at makikita sa likod ang kanyang gym equipment na ibinebenta.

Sa caption ng post, ipinaliwanag ng aktor na ang dahilan ng pagbebenta niya ng gym equipment ay para makalikom ng pondo para sa kanyang ikalawang angioplasty procedure.

For sale all-in-one gym equipment compact ideal for condo RFS need to raise funds for 2nd angioplasty procedure… Thank you, LORD. I miss dancing,” saad niya.

Ilang araw makaraang makalabas ng ospital si Gardo, sinabi ni Ivy, asawa ni Gardo, na muling sasailalim sa isa pang angioplasty procedure ang aktor pagkaraan ng dalawang buwan.

Sinabi pa ni Ivy na hindi ginawa nang sabay ang procedure dahil may heart attack na nangyayari kay Gardo.

Naging maayos naman ang unang procedure sa aktor na ibinahagi pa niya ang kanyang recovery sa pamamagitan ng pagsayaw.

May nakaaaliw pang komento si Gardo  sa sexy photos ni Sue Ramirez na kasama niya sa Jack & Jill sa Diamond Hills na mapapanood sa TV5 with Jake Cuenca  na naka-post sa social media na nagpasaya sa netizens.

Bumilis tibok ng puso ko cupcake,” saad ng aktor sa comment section na may kasamang fire, heart at cupcake emojis.

Magkasama sina Gardo, Sue, Jake, at Ara Mina at marami pang iba sa Jack and Jill sa Diamond Hills na mapapanood sa TV5 simula sa May 14, 6:00 p.m., sa direksiyon ni John “Sweet” Lapus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …