RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGHAHANDA na ang aktor na si Gardo Versoza sa ikalawang angioplasty procedure na kailangang gawin sa kanya. Noong nakaraang Marso, dinala sa ospital ang aktor matapos atakihin sa puso.
Sa Instagram, nag-post ng video si Gardo na nagsasayaw at makikita sa likod ang kanyang gym equipment na ibinebenta.
Sa caption ng post, ipinaliwanag ng aktor na ang dahilan ng pagbebenta niya ng gym equipment ay para makalikom ng pondo para sa kanyang ikalawang angioplasty procedure.
“For sale all-in-one gym equipment compact ideal for condo RFS need to raise funds for 2nd angioplasty procedure… Thank you, LORD. I miss dancing,” saad niya.
Ilang araw makaraang makalabas ng ospital si Gardo, sinabi ni Ivy, asawa ni Gardo, na muling sasailalim sa isa pang angioplasty procedure ang aktor pagkaraan ng dalawang buwan.
Sinabi pa ni Ivy na hindi ginawa nang sabay ang procedure dahil may heart attack na nangyayari kay Gardo.
Naging maayos naman ang unang procedure sa aktor na ibinahagi pa niya ang kanyang recovery sa pamamagitan ng pagsayaw.
May nakaaaliw pang komento si Gardo sa sexy photos ni Sue Ramirez na kasama niya sa Jack & Jill sa Diamond Hills na mapapanood sa TV5 with Jake Cuenca na naka-post sa social media na nagpasaya sa netizens.
“Bumilis tibok ng puso ko cupcake,” saad ng aktor sa comment section na may kasamang fire, heart at cupcake emojis.
Magkasama sina Gardo, Sue, Jake, at Ara Mina at marami pang iba sa Jack and Jill sa Diamond Hills na mapapanood sa TV5 simula sa May 14, 6:00 p.m., sa direksiyon ni John “Sweet” Lapus.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com