Thursday , June 4 2026
Abdania Galo Beauty Wise Tracy Maureen Perez

Beauty Wise CEO artistahin ang dating

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGANDA at batambata pa ang CEO ng Beauty Wise kaya naman natanong ito kung may posibilidad bang pasukin ang showbiz at kung sakali, sino naman ang gusto niyang makapareha?

Anang Beauty Wise Philippines CEO na si Abdania T. Galo, sakaling pasukin niya ang showbiz, si Donny Pangilinan ang gusto niyang makapareha.

Subalit iginiit nitong malayong pasukin niya ang showbiz dahil nakatutok siya sa pag-aaral gayundin sa negosyo nila na ipinasa sa kanya ng kanyang tita ang pagiging CEO.

Sa edad 18, gustong mapagtagumpayan ni Iya (tawag sa kanya) ang negosyong iniatang sa kanya kaya naman ang pagpapalago ng mga beauty products ang gusto muna niyang tutukan. 

At dahil bata pa at nag-aaral pa, natanong ito kung handa na ba siya sa mga responsibilidad sa pagpapatakbo ng negosyo. 

Ani Iya,  hindi siya mahilig gumimik at mas gusto niyang pamahalaan ang negosyo ng kanilang pamilya.

Iginiit pa nitong bata pa  siya ay na-train na siya ng kanyang mommy sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Taga-Mindanao pala ang pamilya ni Iya at doon unang nakilala ang Beauty Wise na pagkaraan ay nakaabot na rin hanggang sa Luzon at Visayas. Target ni Iya na mapataas pa ng 62% ang sales ng Beauty Wise beauty products ngayong 2023 lalo’t hanggang sa Malaysia ay naidi-distribute na ito.

Kasabay ng paglulunsad ng Beauty Wise ay ang pagpapakilala ng kanilang first endorser, ang Ms. World Philippines 2021 na si Tracy Maureen Perez. Present sa ginanap na media launch ng Beauty Wise sina Bugoy Cariño at Michael Pangilinan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …