Sunday , February 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Kathniel

Coco posibleng isama ang KathNiel sa Batang Quiapo (Tanggol may pasabog sa Mayo 8)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TATLONG buwan pa lang sa ere ang FPJ’s Batang Quiapo pero napakalakas nito sa ratings at sa streaming platforms kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ni Coco Martin gayundin ng iba pang mga nagsisiganap dito.

Ani Coco sa isinagawang mediacon kahapon sa Luxent Hotel, hindi akalain ni Coco na maging sa streaming platforms ay magiging malakas sila.  

Batang Quiapo

Pag-amin ng Kapamilya Primetime King, hindi niya inaasahan ang napakaagang tagumpay ng kanilang show, ang FPJ’s Batang Quiapo.

Sobra akong na-surprise, eh. Kasi sabi ko, noong ginagawa namin ang ‘Ang Probinsiyano,’ sabi ko, ‘sigurado ako, hindi ko na mauulit ‘to. ‘Yung ganoong experience,” anang aktor/direktor.

Pero ngayon, base sa mga number na lumalabas sa ‘Batang Quiapo,’ mas mataas pa siya kaysa ‘Ang Probinsyano.’ Kasi, noong pumasok ang ‘Ang Probinsyano,’ hindi naman kami umaabot ng ganitong ratings, eh, noong nawala ‘yung prangkisa ng ABS-CBN.

“Ngayon, kahit na wala ang prangkisa, maganda ‘yung ratings na ibinibigay niyong show. Kaya nakatutuwa. Tumaas na nang tumaas lalo na ‘yung views sa YouTube, nakaka-surprise,” aniya pa.

Kaya naman tiniyak ni Coco na sa bagong yugtong papasok mas pagagandahin pa nila ang show. Bukod sa pagbabagong magaganap ay may mga bagong karakter ding mapapanood at isa na rito si Joey Marquez.

At dahil sanay na tayong maraming artista at bagong karakter ang ipinapasok ni Coco sa kanyang mga ginagawang teleserye, natanong ito kung kailan naman siya magpapasok ng mga mas batang artista tulad nina Daniel Padillaat Kathryn Bernardo.

Noon kasi’y  nagsabi sa kanya si DJ (Daniel) na anytime na kailanganin siya ay willing itong mag-guest sa kanyang serye.

At ang sagot dito ni Coco, “Siyempre, pangarap kong makatrabaho ‘yung mga ‘yun. Kung saka-sakali na talagang magkaroon ng pagkakataon na available sila at pwede, napakalaking karangalan siyempre ng ‘Batang Quiapo’ na makatrabaho si Daniel at saka si Kathryn.” 

Ukol naman kay Sharon Cuneta, “Si Mommy Sha kasi, sobrang bait talaga, alam n’yo po, ‘yung pagsuporta niya na kahit ano pang proyekto ‘yan, talagang. . .Siya ang nagsasabi na ‘kapag kailangan n’yo ko, anytime.’’  

Kaya asahang mas maraming artista pa ang mapapanood sa Batang Quiapo, Pero sa ngayon, paglilinaw ni Coco, tinitipid niya ang mga artistang pwede niyang i-guest at inuunti-unti niya. Ayaw niya kasing maubusan tulad ng nangyari sa FPJ’s Ang Probinsyano na wala na siyang makuhang artista dahil nakuha na niya lahat sa haba ng itinakbo ng show. Umabot ito ng pitong taon.  

Ayokong mag-isang buhos na lahat ng magagaling na artista ay nakapasok na lahat. Paano ‘pag nagbawas ka ng karakter? Wala ka nang makukuha. Kaya dinadahan-dahan ko,” susog pa ni Coco.

Ukol naman sa planong pagsamahin sila ni Alden Richards“Ay, gusto ko siyang makatrabaho. Mabait ‘yun,” aniya.

Naibahagi ni Coco na dati ay nag-DM (direct message) siya kay Alden. “Mayroon pa ‘kong IG (Instagram) noon, minessage ko siya, sabi ko, ‘sana, magkatrabaho kami,’” sambit pa ng aktor na sinagot naman siya ni Alden na handa at gusto rin siyang makatrabaho nito.

Sabi niya, ‘sana drama,’” kuwento pa ni Coco.

Samantala, may pasabog na magaganap sa May 8, ayon kay Coco.

“Magsisimula na ang bagong yugto ni Tanggol. Kailangan po lahat ng mga natutunan niya sa kalye, sa Quiapo, at sa buhay, na-realize niya na sa buhay niya na siguro  panahon na para magkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhay alang-alang sa kanyang lola, sa kanyang nanay, sa buong pamilya niya at siyempre kay Mokang kaya tingnang natin kung ano ang magiging journey ni Tanggol itong  darating na May 8.”

Idinagdag pa ng aktor, “Katapusan na ng baluktot na pamumuhay ni Tanggol at simula pa lang ng napakagulong buhay ng bawat karakter dito.”

Kaya tutok lang sa FPJ’s Batang Quiapo para malaman ang patuloy na pakikibaka ni Tanggol sa buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas talaga ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM …

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Debbie Lopez Ariel Daluraya

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Bloodletting na ginanap noong February …

Nadine Lustre Leni Robredo

Nadine muling susuportahan si Leni sakaling tatakbong pangulo

MATABILni John Fontanilla MALAYO pa man ang presidential election ay very vocal na si Nadine Lustre sa …

Bam Aquino Sexbomb

Bam Aquino mainit na tinanggap sa SexBomb concert

NAKAKUHA ng mainit na pagtanggap si Sen Bam Aquino mula sa manonood sa pagdalo niya sa Get Get …

2026 Blue Falcon Awardees V Mapa HS Grand Alumni Homecoming

2026 Blue Falcon Awardees pararangalan sa 2026 V. Mapa HS Grand Alumni Homecoming 

MATABILni John Fontanilla ISA ang inyong lingkod sa bibigyang parangal sa gaganaping 2026 Victorino Mapa High …