Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yukii Takahashi Wilbert Ross

Puregold Channel’s digital series Ang Lalaki sa Likod ng Profile mapapanood na sa April 22

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PATULOY na naghahatid ng magagandang panoorin ang Puregold, ang nangungunang retail company sa Pilipinas at kauna-unahan sa retailtainment, ng mga palabas na talaga namang kagigiliwan, at naghi-hit sa social media platforms, YouTube, at Tiktok.

At pagkaraan ng matagumpay nilang palabas sa kanilang YouTube series ng mga

palabas na GVBoys at Ang Babae sa Likod ng Face Mask at ng first Tiktok series na 52 Weeks, nagbabalik ang Puregold sa kanilang pinakabagong digital show, ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile na mapapanood na ang first episode sa April 22.

Pinagbibidahan ni Wilbert Ross, na gumaganap bilang si Bryce kasama si Yukii Takahashi  bilang si Angge ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile na tiyak na mamahalin at kagigiliwan ng mga netizen dahil sa relatable at feel-good story nito.

Kasama rin sa serye sina Kat Galang bilang Genski; Migs Almendras bilang Ketch; Marissa Sanchez bilang Bessie (Bryce’s mom); Star Orjaliza bilang Yaya Aimee; Moi Marcampo bilang Chili Anne (ang may crush kay Bryce); TJ Valderrama bilang Cyrus (Angge’s brother); at Anjo Resurreccion bilang Jerry (Angge’s ex).

Sa Episode 1, mapapanood kung paano i-navigate ni Bryce ang kanyang buhay, ang galing at interes niya sa video-game, at kung paano siya madalas dakdakan ng kanyang inang si Bessie para maghanap ng girlfriend. Samantalang nagre-recover pa si Angge sa kanyang Toxoplasmosis, isang brain infection na nakaaapekto sa kanyang paggalaw. Mapapanood din sa unang episode kung paano nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng digital platform na Talkverse.

Ito ay idinirehe ni Victor Villanueva, na siya ring nasa likod ng matagumpay na  Puregold’s hit series, Ang Babae sa Likod ng Face Mask.

Sa paggamit ng social media bilang vital sa kanyang narrative, Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay tiyak na mamahalin lalo na ng mga GenZ. 

Ayon nga kay Puregold Price Club President, Vincent Co, maligaya siyang ibahagi ang seryeng ito sa mga Pinoy. 

We are excited to deliver another Puregold Channel original content to our customers and audiences,” aniya.

Kaya tutok na simula Abril 22 para sa isa na namang kagiliw-giliw na panoorin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …