COOL JOE!
ni Joe Barrameda
TUWANG-TUWA si Kylie Padilla dahil sa pelikulang Unravel ay nakarating siya sa Switzerland. Manghang-mangha siya sa ganda ng lugar. Bale si Gerald Anderson ang first time niyang nakatambal at naging okay naman sila.
Maraming daring stunt ang nagawa niya sa movie na ito like skydiving, canyon swinging, at bungee jumping at zip line.
Sabi nga ni Geral, bumilib siya kay Kylie na hindi umaatras sa mga deadly stunts. Maski nga sa teleserye na kinabibilangan niya na Mga Lihim Ni Urduja ay puro aksiyon ang mga eksena niya.
Ang Unravel ay tinatalakay din ang mental isyu gaya ng suicide bukod sa ipinakikita nila ang mga magagandang lugar sa Switzerland. Ang pelikulang ito ay kalahok sa unang Summer Metro Manila Film Festival na nagsimula na noong April 8.