RATED R
ni Rommel Gonzales
KATATAPOS lang ipagdiwang ang kanyang 38th birthday, natutunan ni Heart Evangelista na huwag pilitin ang kanyang sarili na magkaanak, sa kabila ng pressure na kanyang nararamdaman noon.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, inihayag ni Heart ang kanyang saloobin tungkol sa pagbubuntis sa isang event na sumesentro sa katotohanan tungkol sa mga kababaihan.
“Hindi ko siya pinag-uusapan actually, kahit maraming nagtatanong because no matter how you put it, it’s always painful to lose a child. And I didn’t just lose one, I lost twins,” sabi ni Heart.
Nakaramdam din ng pressure si Heart noon na magkaanak.
“I must say before, yes. I must say, it wasn’t just because dahil artista ka. Of course subconscious, ‘yung mga makikita mong comments ‘di ba? Pero because dahil lahat ‘yon at kahit ‘yung ibang kilala mo sa buhay mo, they expect that for me. At this point hindi siya ibinibigay sa akin, so bakit ako magmumukmok or bakit ako magse-celebrate rin? I will just live my life and I’m happy,” saad niya.
Kaya naman sa ngayon, hindi siya sumusubok na magkaanak.
“No I’m not. Kasi kung pipilitin mo ‘yung hindi para sa ‘yo, para saan pa? But kung para sa ‘yo, eh ‘di para sa ‘yo. I’m not giving up but I’m not pressuring myself,” sabi ni Heart.
Ipinagdiwang ni Heart ang kanyang kaarawan kahapon, Pebrero 14, Araw ng mga Puso.
“Habang tumatanda ka tumatapang ka. Hindi ibig sabihin sumasama ang ugali mo, iba ‘yon. You gain wisdom and you become strong to defend yourself, to defend your loved ones,” sinabi pa ng Kapuso Queen of Creative Collaborations.