I-FLEX
ni Jun Nardo
WELCOME pa si Sunshine Dizon sa Kapuso Network kahit wala na siyang kontrata rito.
Kumakalat sa social media na kasama si Sunshine sa coming GMA series na Ang Lihim ni Urduja. Tampok dito sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.
Balitang ang Urduja ang papalit sa timeslot ng Maria Clara at Ibarra na ilang weeks na lang mapapanood sa primetime.
Wala pang kompirmasyon ang GMA kaugnay ng pagsali ni Sunshine sa series at sa pagpalit nito sa historical portal series.