MATAGAL ko nang nasusubaybayan si Cong. Geraldine Roman at hanga ako sa pagiging smart lady nito. Kailan ko lang nalaman na isa itong transgender Woman.
Sa isang sortie ni PBBM ay nakita ko itong ka-duet ang then Presidential Candidate BBM. Ngayon ay very active sa pagiging Public Servant na laging ang mga kababayan natin ang priority niya at hindi lang taga-Bataan ha.
Bukod sa pagiging abala sa Kongreso, may Youtube channel pala ito na Geraldine Romantik na ipinakikita niya ang galing sa pagluluto, lalo na mga Spanish dishes. Matagal na pala itong nanirahan sa Spain at take note naging journalist ng isang Spanish Newspaper. Talbog silang apat. (Joe Barrameda)