Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde White Castle Whisky Calendar Girl

Ria sa pagiging White Castle Whisky girl — beauty is in all forms, shapes and sizes

ni MARICRIS VALDEZ

BODY positivity. Ito ang itinataguyod ngayon ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. sa kanilang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky na akma rin sa advocacy ni Ria Atayde na siyang bagong 

calendar girl nito.

Kaya isantabi muna ang mga nakasanayang super sexy body na payat ang mga calendar girl dahil ibabandera ni Ria ang voluptuous side niya.

Ani Ria sa ginawang paglulunsad sa kanya kahapon ng tanghali na ginawa sa Pandan Restaurant, “Usually ang calendar girl, there’s a certain mold. That’s why this campaign resonated with me because it’s out to prove that beauty is in all forms, shapes and sizes.”

Kaya isa ito sa talagang nakapagpa-kumbinse kay Ria na maging isa na rin sa mga calendar girl. 

Aminado si Ria na hindi niya na-imagine na magiging isa siyang calendar girl. Pero ito ang naging realization niya.

I never thought that I’ll see myself as a calendar girl. If anything that changed, kaya ko pala.

“Actually, I did a birthday shoot but it feels like my personal consumption kind of thing. Pero publicly, kaya pala. I think, it brings confidence in myself also,” ani Ria.

Ipinakikita rin ni Ria na isang champion ng body positivity, sa pamamagitan ng kalendaryong ito, na ang pagiging sexy ay ang kompiyansa at pagiging komportable sa sarili. 

Beauty comes in countless forms, shapes, and sizes. At this day and age, hindi pwedeng i-kahon ang kagandahan,” sabi ni Ria. “Honored ako at ako ang napili bilang White Castle Whisky Girl as the brand allows and supports me in my advocacy to empower each and every woman to embrace her femininity and celebrate her body.”

Binago na nga unti-unti ng White Castle ang mga calendar girl nilang nakasuot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture. At ngayon, bahagi na si Ria sa prestihiyosong roster ng White Castle girls na kinabibilangan nina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Techie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado, at Roxanne Guinoo.

Ginawa ng White Castle Whisky ang ‘di inaasahan sa panahon ng internet. Bago mag-2021, ginulat ng brand ang mga netizen nang ipinakilala nila ang YouTube chef at content creator na si Ninong Ry bilang kauna-unahan nilang White Castle Boy. 

We weren’t looking to take ourselves too seriously at the time. Coming from the pandemic and working with our tagline Dapat light lang, we decided that we should feature someone that had also persevered and created a following during the pandemic,” ani Aaron James Limpe Aw, Executive Vice President ng Destileria Limtuaco. “Gumawa ng content para sa amin si Ninong Ry kaya naman naisipan namin na suportahan ang mga sumusuporta sa amin.”

Noong 2021, ibinigay ng brand ang desisyon sa mga tao nang buksan nila ang titulo ng kanilang calendar model sa publiko. Sa public online search na ito, ang TikTok sensation na si Sassa Gurl ang nagwagi at siya ang naging 2022 White Castle Calendar na talaga namang pinuri sapagkat ito ay inclusive at isang tagumpay para sa LGBT community. 

“Noong umpisa, hindi naman talaga namin ito intensiyon and it was definitely a gamble. We knew there were those who would have negative reactions to our move,” sabi naman ni Brandon Jon Limpe Aw, VP for Administration ng Destileria Limtuaco.

Naging malakas ito sa media firestorm at napagtanto ng brand na marami pa itong maaaring gawin sa kanilang taunang kalendaryo. Gaya nga ng sabi ng Destileria Limtuaco President at CEO na si Olivia Limpe-Aw, “ini-launch ng mga kalendaryo namin ang karera ng maraming aktres at mga modelo. With that kind of clout, nagdesisyon kami na maaari naming gamitin ang platform ng aming kalendryo para mag-launch ng iba’t-l ibang klaseng causes at advocacies.

Sexy calendars have become a contentious concept. The featured beauty standards have been deemed unrealistic and not representative of the everyday female,” sabi pa ni Limpe-Aw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …