Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Starlet, aligaga sa damage control sa mga milagrong pinaggagawa

NATATAWA na lang kami kung paano dina-damage control ng aktres-aktresan ang lumabas na balitang constantly dating sila ngayon ng TV host/actor na kasama niya sa isang show.

Dahil lahat ng mga kaibigan niyang may alam ay pinagtatawagan at inaway-away, may kasabihan nga, ‘let the guilty talk.’

Ito kasing si aktres-aktresan ay hindi marunong magtago ng lihim niya dahil kapag pumupunta siya sa bahay ng mga kaibigan niya ay kasama niya si TV host/actor at mega kuwento rin siya kung saan ang mga lakad nila.

At ng masulat na nga ang madalas na pagde-date nina TV host/actor at aktres-aktresan ay napagalitan daw ng huli ng talent management na humahawak sa career niya dahil nakaaapekto raw ito sa kanyang mga endorsement.

Kailangang mapanatili ni aktres-aktresan ang wholesome image niya kasi nga marami siyang inquiry in terms of product endorsements bukod pa sa may nilulutong project para sa kanya.

Kaya ang ending, itinatanggi na ni aktres-aktresan ang isyung constantly dating sila ni TV host/actor at hindi rin totoong nagpunta sila ng ibang bansa na nasulat din base rin sa kuwentuhan nila ng mga kaibigan niya.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …