Sunday , May 19 2024
Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start gustong makatrabaho ang crush na si Nadine Lustre

MULING tumanggap ng award ang aktor at tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start sa Best Magazine Philippine 4th Faces of Success bilang  Most Promising Model/Actor for 2023 na ginanap sa Teatrino Promenade Greenhills,  San Juan kamakailan.

Ayon sa aktor, “Nagpapasalamat po ako sa people behind Best Magazine 4th Philippine Faces of Success most especially kay sir Richard Hinola for this recognition.

“This may serve as an inspiration for me para po mas galingan ko pa sa mga susunod kong projects.

“Iba po kasi kapag nakatanggap ka ng award, mas nai-inspire ka to give your best sa lahat ng gagawin mo.”

At dahil katatapos lang ng sinalihan niyang teleserye na Broken Marriage Vow na napanood sa ABS-CBN at habang naghihintay sa kanyang mga susunod na teleserye  at proyekto ay naka-focus muna ito sa kanyang pag-aaral.

Hopefully magkaroon ulit ako ng teleserye and sana this time makasama ko naman ‘yung showbiiz crush at idol ko na si Nadine Lustre.

“Wala pa kasi ako sa showbiz, crush ko na si Nadine at ngayong nasa showbiz na ako ay dream ko talaga na makasama at makatrabaho siya,” pagtatapos na pahayag ni Klinton. (John Fontanilla)

About John Fontanilla

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …