Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brillantes inupakan sa isyu ng pag-postpone sa SK election

Labag sa Konstitus-yon ang panukala ni Comelec Commissioner Sixto  Brillantes na buwagin na ang Sangguniang Kabataan (SK) at i-postpone ang SK election na nakatakdang makasabay ng halalang pambarangay sa Oktubre ngayon taon.

Ito ang upak kay Brillantes ng iba’t ibang sektor ng lipunan, partikular sa hanay ng mga kabataan bilang reaksiyon sa pahayag na: (1) Makatitipid ang pamahalaan ng P80-milyon kapag na-postpone ang SK elections; (2) Ang Sangguniang Kabataan ay “breeding ground for corruption; (3) Walang achievement o walang performance ang SK;  at (4) Ganap nang ia-abo-lish ang institusyon ng Sangguniang Kabataan.

Ayon kay Neil Von C. Baria, 19, estudyante ng Dela Salle-Dasma, residente at dating SK chairman ng Barangay Bucana Sasahan, Naic, Ca-vite, isa umanong anti-kabataan ang naturang pahayag ni Commissioner Brillantes. Aniya, naka-limutan ng komisyoner na sa pamamagitan ng Sangguniang Kabataan ay naihahanda ang mga kabataan para sa susunod na henerasyon ng mga mamumuno sa bayan.

“’Di ba niya (Brillantes)  pinahahalagahan ang pananaw ng dakilang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal  na nagsabing kabataan ang pag-asa ng bayan,” dagdag ni Baria.

Bilang pagpuwing sa katwiran ni Brillantes na makatitipid ang pamahalaan ng P80-milyon kapag na-postpone ang SK elections, ikinatuwiran ni Baria na ang budget umano para rito ay napondohan na noon pang nakaraang taon. Lahat aniya ng budget ng pamahalaan na ginagawa taon-taon ay ma-ituturing na isang batas.

Bukod dito, wala umanong sinoman o anomang institusyon ng pamahalaan  ang  maa-aring bumalewala o sumansala sa pagpa-patupad ng SK election. Kahit daw ang Ehekutibong sangay ng pamahalaan na ang tanging tungkulin ay ipatupad ang nasabing batas (sa usa-pin ng budget)  sa pama-magitan ng Comelec, at maging ang Comelec mismo ay wala umanong kapangyarihan na hindi ito isakatuparan, paliwanag ni Baria.

“Tanging Korte  lamang ang  lehitimong ins-titustyon na makapag-dedesisyon sa kawastuhan at kamalian ng isang batas lalo na’t may conflicting interpretation ang mga nasasangkot dito, gaya sa kaso ng pag-postpone sa SK election,” dagdag niya.

Kamakailan lang, ilang grupo ng mga kabataan na kumondena kay Brillantes ang nagsabing isang malaking pang-iinsulto umano sa right of suffrage ng mamama-yan lalo na ng kabataan ang pagtutol sa SK election ng bangkaroteng kukote ng komisyoner.

“Kung totoong laban siya (Brillantes) sa corruption, sumama siya sa mga martsa kontra Prio-rity Development Assistance Fund (PDAF) na P210-M kada termino ng mga congressman at minimum na P690-M sa bawa’t senador. Huwag nang sabihing may nakalaang mahigit na P3-B para sa Presidential Social Fund (PSF) ng ating Pangulo. Kaya mas ma-inam siguro na  magsuri muna ang magiting na Comelec commissioner para makita niya ang tunay na breeding ground for corruption,” ayon sa nasabing grupo ng mga kabataan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …