Friday , November 15 2024
3060 series computer graphic card

Sa P6.7-M halaga ng computer graphics EMPLEYADO NABISTO, 2 KASABWAT WANTED

ARESTADO ang isang empleyado, habang dalawang kasabwat ang pinaghahanap matapos tangayin ang nasa P6,777,000 halaga ng computer graphic cards sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Rint Joshua Babao, 25 anyos, residente sa Brgy. 144, Bagong Barrio, Caloocan City.

Patuloy na pinaghahanap ang dalawang kasabwat ng suspek na kinilala sa pangalang  Rustom Maata Jr., alyas Baby Ama, at Jomar Gabun.

Batay sa ulat mula sa opisina ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dakong 7:00 pm inaresto matapos ireklamo ng kanyang employer, na kinakatawan ng isang staff na si Jovelyn Bacalla sa pagtangay ng mga item sa tulong ng dalawa niyang kasama.

Ayon kay Bacalla, dakong 4:00 pm nang matuklasan niyang 180 piraso ng branded na 3060 series computer graphic card ang nawawala sa bodega ng kompanya sa Cabral St., Barangay Maysan, Valenzuela City

“Nawalan na po kasi kami ng 30 pieces graphic cards, ipinapa-account po namin sa kanya [suspect], hindi po n’ya ma-account, nagtaka po kami bigla siyang nag-submit ng resignation letter noong November 14 kaya nag-inventory po kami agad kahapon sa warehouse,” pahayag ni Bacalla sa pulisya.

Matapos nito, kinompronta ni Bacalla ang security guard ng warehouse.

“Nagpunta nga raw po doon sa warehouse si Babao kahapon ng madaling araw at ang sabi po ay pinapu-pull out daw po ‘yung mga items.

Hindi pa po kasi na-inform ‘yung guard na resigned na po ‘yun,” dagdag ni Bacalla.

Matapos matanggap ang report mula sa complainant, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng Station Investigation Unit (SIU) at Detective Management Unit (DMU) sa pangunguna nina P/Lt. Armando Delima at P/Lt. Ronald Bautista ng joint follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Batay sa ulat ni Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) chief, P/Lt. Robin Santos, ang tinangay na items ay isinuko ng kaanak ni Babao na itinago umano ng suspek sa kanyang bahay.

Nahaharap ang suspek na si Babao sa kasong Theft. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …