Friday , November 22 2024

Pork barrel ‘ibinebenta’ ng solons kay Napoles (Ayon sa whistleblower)

091413_FRONT

INIHAYAG ni Benhur Luy, whistleblower sa P10 billion pork barrel scam, na mismong ang mga kongresista ang lumalapit  kay  Janet Lim-Napoles  upang ibenta ang kanilang pork barrel nang mabatid na maaari silang tumanggap ng 40% kickback sa ghost project at agad nilang makukuha ang kalahati nito mula sa negosyante.

Ayon sa pinsan ni Napoles, ang mga senador naman ay kadalasang tumatanggap ng 50% cut sa halaga ng proyekto ng NGOs na hawak ng negosyante.

Sa nasabing proseso, sinabi ni Luy na ibinibigay ni Napoles nang advance ang kalahati ng kickback kapag na-request na ang proyekto sa pamamatigan ng House committee on appropriations o sa Senate finance committee.

Aniya, makukuha ng mga mambabatas ang balanse kapag ipinalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang special allotment release order (SARO).

Sa kalahati ng PDAF na nakukuha ng mga mambabatas, sinabi ni Luy na 10 porsyento ng natitirang halaga ay kadalasang napupunta sa implementing agencies bilang “SOP” (standard operating procedure o grease money).

Sinabi ni Luy, kaya ni Napoles na maibigay nang “advance” ang kickbacks dahil marami siyang pera.

May mga araw aniya na nagwi-withdraw si Napoles ng hanggang P75 million mula sa kanyang Metrobank o Landbank accounts. Marami aniyang cash na pumupuno sa kama ni Napoles gayondin sa kanyang bathtub.

Ang mga senador ay tumatanggap ng tig-P200 million sa annual PDAF habang ang mga kongresista ay tumatanggap ng P70 milyon bawat isa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *