Thursday , June 4 2026
SocMed House KSMBPI

SocMed House ng KSMBPI umarangkada na

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PALABAN ang unang batch na binisita namin sa kanilang locked-in set for their workshop among other things sa ilalim ng award winning director na si Jeremiah Palad.

Tama ang sinabi ng may pakana ng lahat sa kanyang adbokasiya na si Dr Michael Aragon. Na magbigay ng libreng workshop para sa mga tatanghaling bagong mga alagad ng sining ng kanilang panahon.

Na sa kalaunan, ang nais namang mangyari ni Doc Aragon ay maibalik naman nila sa industriya ang pagbabahagi ng kanilang magiging kaalaman sa mga pelikula, TV man o anupang serye.

Mukha namang magagaling at palaban nga sa nais nilang maabot ang siyam na hopefuls na aming nakausap sa SocMed House ni Direk Miah (Jeremiah Palad).

Iba’t iba sila ng mga karakter. Iba’t ibang edad. Iba’t ibang background.

May Kuya na ang business ay magbenta ng airconditioning units. Mayroong nasa realty. May kumakanta. Sumasayaw. Umaarte. May mataas. May maliit. May nagtitinda ng isda sa talipapa. May nagko-cosplay.

Mas ginusto namin silang makita at makaharap na raw. Walang make-up. Simple ang mga bihis. At ang tanging tangan lang ay ang kanilang talento at laman ng mga puso at kaisipan.

Kaya masayang-masaya si Doc Aragon. Dahil alam niyang hindi siya mapapahiya sa kanyang layuning magpakilala ng mga bagong talents. Na hindi lang cetificates na nag-graduate sila sa libreng workshop.

Kundi sila na ang mga aarte sa gagawing mga proyekto nina Direk Miah at Doc Aragon na pwedeng isali sa mga film festival here and abroad. At pagbibigay daan na rin sa iba pang indie filmmakers na ang mga graduate na sa workshops ang magsisisalang.

Isa na ngang reality show ang masasaksihan sa socmed show na ito. At handa ang lahat sa mga kakaharapin nila sa mga sasalubunging mga komento-bashing man o kritisismo.

Handa na ba kayong makilala sila?

Abangan na rin ang Jazz Clean Air Band na matutunghayan sa programang masusubaybayan sa KSMBP Onlineon DWBL 1242 KHZ AM radio and  YouTube

At ang pinaka-masaya ay ang laging kaabang-abang na Showbiz Kapihan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …