Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Running Man Ph

Mga runner aminadong nagkapikunan, nagka-iyakan

RATED R
ni Rommel Gonzales

BILANG leader ng grupo ng “runners” sa Running Man Ph, tinanong namin si Mikael Daez kung sa panahon na inilagi nila sa South Korea ay may umiiyak sa challenges o missions, may napipikon, may nagagalit, may nabubuwisit, o sino ang  nakatutuwa, etc.?

Yes to everything! And I think iyon dapat ‘yung abangan ninyo kasi hindi lang siyempre katuwaan, when you watch ‘Running Man OG,’ ‘yung Korean version, makikita mo na yes nakatutuwa siya, nakatutuwa na nasasaktan sila, nagkakamali sila, may nananalo.

“The same with us may nagkakamali, may nasasaktan, may nananalo, may nagtatampuhan, pero I think iyon ‘yung nagbibigay-kulay, I think naiintindihan naming lahat na iyon din ‘yung magic ng ‘Running Man.’

“Na you have seven artists here who you see usually in a very different medium, ‘di ba teleserye, ‘di ba ‘yung iba naghu-host, nagko-comedy, ‘yung iba singer, dancer, so biglang inilagay kami rito sa isang environment na sobrang ibang-iba sa nakasanayan namin.

“So ang daming lalabas na emosyon, pero sa totoo lang, ‘yung emosyon na ‘yun ang inaasahan naming sasakyan ng audience.

“Kasi tayong mga Pinoy gusto natin ‘yung mga ganoon, eh.

“Parang we enjoy ‘yung mga katuwaan, ‘yung mga comedy pero nag-i-invest din tayo sa mga dramahan eh, ‘di ba?”

May dramahan din ba sila sa Running Man Ph?

I think, mayroon, maybe, maybe pero depende naman ‘yun sa I guess sa edit, but I think part of it is ‘yung relationship naming lahat.

“Makikita n’yo ‘yan, we’re enjoying with one another, kasama na rin lahat ng emosyon na posible ninyong makita roon.”         

Ang anim pang runners ay sina Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Angel Guardian, Lexi Gonzales, at Ruru Madrid.   

Napapanood ang Running Man Ph (na isang reality-comedy game show) tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:50 p.m. sa Kapuso Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …