Sunday , September 25 2022
Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Yasser Marta

Bagong serye ni Ysabel malaking tulong sa career

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin si Ysabel Ortega kung mas lumalim ba ang kanilang pagkakaibigan o anumang relasyong mayroon sila ni Miguel Tanfelix ngayong magkasama sila, bukod sa Voltes V, sa What We Could Be?

Definitely po, lalo na po na iyon nga isinu-shoot namin  itong ‘What We Could Be,’ segue rin siya with our other series so, halos araw-araw kaming nagkikita and you know puyat kami pero at the same time you know, we’re there for each other.

“Nagbibigay kami ng energy kung may kailangan ng coffee ng isang tao, you know, it’s the little things na really I felt like it was a teamwork talaga para maitawid namin na mai-shoot ‘yung ‘What We Could Be,’ confidently and proudly and at the same time continuing to shoot our other series [Voltes V].

“So I feel like iyon, ‘yung camaraderie namin, ‘yung teamwork namin, mas nakalalim talaga ‘yun sa relationship, sa working relationship namin,” ani Ysabel.

Malaking tulong ang What We Could Be sa career ni Ysabel sa showbiz.

Definitely I think this is a turning point po para sa career ko especially since this is going to be my first lead and ‘yung ‘Voltes V’ kasi it’s going to be airing next year pa so this is really technically my very first time to be given a show.

“And before pandemic pa ako last nakita sa GMA and that was my very first show in GMA so I feel like you know, I’m just so grateful kasi I feel like this isn’t just me you know, turning a leaf professionally sa career ko, but as well as ‘yung relationship ko with GMA and of course I’m so grateful na nabigyan nila ako ng opportunity to star in this show.

“But yeah, definitely nakaka-pressure po siya but at the same time like what I mentioned sobrang proud din kasi ako sa nagawa naming series and sobrang laking tulong din ng mga co-actor ko, ‘yung family ko rito sa show na ito, ‘yung mga iba ko pang co-actors really were a big help talaga.

“So I think it’s a turning point and it’s definitely very exciting for me.”

Gumaganap sa What We Could Be si Ysabel bilang si Cynthia at si Miguel bilang si Franco.

Nasa serye rin sina Yasser Marta bilang Lucas; Soliman Cruz bilang Tirso; Aleck Bovick bilang Melba; Pamela Prinster bilang Criselda; Hailey Mendez bilang Vera; Lia Salvador bilang Eloisa; Bimbo Bautista bilang Gabby; EJ Jallorina bilang Ate V; Joel Saracho bilang Mang Tonyo; Art Acuña bilang Bruno; Vince Crisostomo bilang Justin; Joyce Ann Burton bilang Helen; at si Celeste Legaspi bilang Lola Leonora.

About Rommel Gonzales

Check Also

Editor at kolumnista ng Hataw bibigyang parangal sa 3rd Asian Business Excellence Awards 2022 

MATABILni John Fontanilla BIBIGYANG-PARANGAL ng Asian Business Excellence Awards ang ilang natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …