Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, mataas ang pagrespeto kay Maria

BAGAMAT  tinaguriang Comedy Queen’ si Ai  Ai delas Alas mula nang pumasok siya sa sitcom na Toda Max ng ABS-CBN 2, hindi siya apektado kung sinabi man ni Eugene Domingo na “the original Comedy Queen is back” sa katauhan ni Maricel Soriano.

Ang title raw ay kusang ibinibigay ng tao at mataas daw ang respeto niya kay Maria.

‘Yun na!

Eugene, wala sa vocabulary na ‘makipagtikiman’

ZERO pa rin ang lovelife ni Eugene Domingo. Sa tanong sa kanya kung may sex pa rin siya kahit walang boyfriend, ang sagot niya ay, “’Yun namang tanong na ‘yun, napakabobo, ‘di ba? Siyempre, wala!”

Wala sa vocabulary ni Eugene na makipagtikiman kahit walang relasyon. So, feeling virgin siya ngayon.

Anyway showing na sa September 18 ang Momzillas na pareho silang bida ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Mula ito sa direksiyon ni Wenn Deramas.

‘Lam mo na!

Wally, tiyak na makababalik pa rin sa EB!

TAHIMIK na hinaharap ng Dabarkads ang eskandalo na napasukan ni Wally Bayola.

Tama lang na pansamantalang mawala muna sa sirkulasyon si Wally hanggang lumamig ang isyu. Madali namang makalimot ang Pinoy at nakasisiguro kaming makababalik ang isang katulad niya  na talented at propesyonal sa trabaho.

Hindi rin siguro kagustuhan ni Wally na kumalat ang naturang video.

Pero lahat naman tayo ay nagkakamali. Lahat naman tayo ay may dumi sa katawan.

Anyway, kung pagdusahan man ni Wally ang eskandalong ito, darating din ang panahon na makababawi siya at magiging aral ang maling nagawa.

‘Di ba?

Derrick, Young Achiever for Entertainment & Arts ng Golden Globe Annual Awards

CONGRATS kay Derrick Monasterio dahil tatanggap siya ng award sa Golden Globe Annual Awards sa September 29 bilang Young Achiever for Entertainment & Arts. Gaganapin ito sa Manila Hotel.

Sa pagiging abala ng young actor ay naglalaan din siya ng oras bilang Youth Ambassador ng National Youth Commission.

Hindi pasaway si Derrick at laging iniisip na ‘wag madungisan ang image niya bilang Youth Ambassador. Nagbibigay siya ng mga proyekto para maka­iwas sila sa mga masasamang bisyo gaya  ng sports.

Tsuk.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Junar Labrador Martir Sa Golgota Lou Veloso

Junar Labrador, nagbabalik bilang Pilato sa “Martir Sa Golgota”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBINALITA sa amin ni Junar Labrador na muli niyang gagampanan …

Jojo Mendrez Ronald Carballo

Jojo Mendrez ipinatitigil pagpapalabas ng interview niya kay Direk Ronald Carballo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY nagtsika sa amin na sa naging guesting pala ni …

Nadine Lustre

Nadine hinangaan magandang hubog ng katawan

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre habang nakasuot ng classic lace string bikini …

Jasmine Curtis Smith

Jasmine inamin OA reaksiyon kina Mogato at Lingao

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS benggahin si Cong. Bong Suntay ay pinasaringan naman ni Jasmine Curtis -Smith ang …

Sofia Trazona

Sofia Trazona pinatulan komento ng step dad kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS makisawsaw ni Alvin Aragon sa isyu ni Quezon City Representative Bong Suntay sa …