Monday , November 25 2024
Kamara, Congress, money

Hiniling sa Kamara
KLASIPIKADONG PERMISO SA SUGAR IMPORTATIONSA INDUSTRIYA NG INUMIN AT HOUSEHOLD CONSUMERS

SA GITNA ng kontrobersiyang bumabalot sa naudlot na planong pag-aangkat ng asukal, hiniling ni San Jose Del Monte Rep. Florida Robes na magkaroon ng hiwalay na pagpapahintulot na makapag-angkat ang industriya ng inumin upang hindi makaapekto sa halaga ng asukal sa merkado na ngayon ay lumobo na sa mahigit P100 kada kilo.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rep Robes, Chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability, nanguna sa pagtalakay sa naunsiyaming importasyon ng asukal, kasama ang Committee on Agriculture, na hiniling niya ang panukala upang ikonsidera ang nangyayaring pag-aangkat ng imported na asukal ng industriya ng inumin na mahigit 50 porsiyento ang nakokonsumo ng bansa.

“Since the beverage industry is consuming more sugar, it is also contributing to the consolidated demand for the country, hence the high cost of sugar in the retail market. Under the proposed scheme, the SRA will be mandated to issue separate importation orders for the beverage industry and for local consumers so that these will not affect inflation,” sabi ni Rep. Robes.

“We have to ensure that the country has enough supply of sugar in the market but this (importation) must protect sugar planters, millers and consumers as well to prevent any price spikes in the market. We also have to ensure that the measure should prevent smuggling in the process,” dagdag ng mambabatas.

“Dahil dito, ang Kongreso ay may kapangyarihang gumawa ng batas na magpapahintulot sa klasipikasyon ng pag-aangkat ng asukal o kung ang kasalukuyang batas na lumikha ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ay papayagang sila ang magtakda ng klasipikasyon ng pag-aangkat upang hindi makaapekto sa presyo ng asukal sa merkado, then we have to choose the latter option,” sabi ni Robes.

Aniya, ang pagsirit ng presyo ng asukal sa merkado ay artipisyal lamang ngunit immoral kaya’t nais nilang malaman kung bakit sobra ang itinaas nito sa tingian.

“The Monday Briefing can be immediately move to a proper investigation should Members opt to have a proper motu proprio inquiry to ensure that resource persons are compelled to attend under pain of possible contempt, sworn in under oath and are bound by the duly published rules on inquiries,” aniya.

Ang orihinal na planong pagpupulong na itinakda noong araw ng Huwebes ay itutuloy ngayong Lunes, 22 Agosto, upang bigyang daan ang pitong araw na kinakailangang paglilimbag batay sa panuntunan upang maikonsiderang epektibo. Ang ika-pitong araw aniya ay ngayon, 22 Agosto.

Sinabi ni Robes, inimbitahan ng dalawang komite sa pagpupulong ngayong Lunes, sina SRA Administrator Herminigildo Serafica ang Board Member na si Roland Beltran, bukod pa kay DA Undersecretary Leocadio Sebastian na pawang nagbitiw sa tungkulin matapos lagdaan ang ilegal na pag-aangkat ng asukal.

Inilinaw ni Rep. Robes, ang isasagawang pag-iimbestiga ng dalawang komite kaugnay sa pag-aangkat ng asukal sa Lunes ay walang kinalaman sa pagbibitiw ng mga opisyal.

Sinabi niyang maging si dating DA Secretary William Dar ay kanilang ipatatawag upang magbigay linaw sa naunsiyaming pag-aangkat ng asukal.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …