Tuesday , April 15 2025

Coco, Influential Celebrity Endorser of the year awardee na!

IBANG level na talaga si Coco Martin! Hindi lang sa pagiging aktor humahakot ng award ang tinaguriang Drama King, pati na rin sa pagiging endorser ay kinilala na rin siya.

Noong Sabado, September 7, binigyang parangal si Coco bilang isa sa Most Influential Celebrity Endorser of the year ng 3rd EdukCircle Awards.

Personal na tinanggap ni Coco ang recognition sa awarding ceremonies na ginanap sa UP Film Institute. Ito ay bago siya um-attend ng 7th Star Magic Ball sa Fairmont Hotel sa Makati ng Star Magic ABS-CBN.

Kasama ni Coco sa nasabing award sina Kris Aquino, Boy Abunda, Vic Sotto, at Carmina Villaroel and family.

HIndi na talaga maawat ang tagumpay ni Juan Dela Cruz. ‘Di na mabilang ang kanyang acting awards, ngayon naman ay bilang celebrity endorser. Patunay ito na isa na talagang “premium brand” si Coco Martin.

‘Di na rin mabilang ang mga produktong iniendoso ni Coco,  nariyan ang Max’s Republika TM, Nescafe 3-In-1, Bench, Neozep, Belo, Cebuana Lhuillier Pera Padala, Boardwalk at iba pa.

At siyempre pa, hindi matatawaran ang pagiging consistent #1 teleserye sa Primetime ng kanyang Juan Dela Cruz.

Super congrats to Coco sa mga blessing na dumarating sa ‘yo. More to come!

About hataw tabloid

Check Also

Kathryn Bernardo Kenneth Hizon

Ken nagpahayag din ng paghanga kay Kathryn

I-FLEXni Jun Nardo HINALUKAY talaga ng ABS CBN ang childhood crush ni Kathryn Berrnardo na si Dr. Ken …

Zsa Zsa Padilla Pilita Corrales

Zsa Zsa durog sa pagkawala ni Pilita — I will forever treasure the advice you’ve shared

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa nagluluksa …

Sharmaine Arnaiz Kitkat

Mahal na araw kina Sharmaine at Kitkat paano ginugunita?

MA at PAni Rommel Placente TUWING sumasapit ang Mahal Na Araw, ang bawat isa sa …

Kenneth Hizon Kathryn Bernardo

Crush ni Kathryn na si Dr Kenneth aminadong biglang sumikat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI naman siguro sumasakay si Dr. Kenneth Hizon sa nakalolokang pagpapakilig ng netizen. …

Kier Legasp Marjorie Barretto Dennis Padilla Janno Gibbs

Kier sumawsaw sa isyu nina Dennis-Marj; Janno nadamay sa bashing

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG hindi pa magre-rest in peace ang isyu tungkol kina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *