Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PA
ni Rommel Placente

MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong Navarro at ng dating aktres na si Bianca Lapus, na nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Yce.

Sa pamamagitan ng Twitter account, ipinakita ni Bianca ang suporta kay Vhong sa mga kasong kinakaharap nito ngayon.  

Anumang araw mula ngayon ay nakaambang sampahan ng Taguig Prosecutor’s Office ng mga reklamong rape at acts of lasciviousness si Vhong, ayon sa kautusan ng Court of Appeals (CA).

Kaugnay ito sa isinampang complaint ng modelong si Deniece Cornejo sa Department of Justice (DOJ) laban sa actor-TV host.

Noong August 2, 2022, nag-post si Bianca sa kanyang Twitter account ng mga larawan nila ni Vhong kasama si Yce. Kuha ito sa selebrasyon nila noong nagtapos si Yce ng kursong Bachelor of Arts in Communication sa University of Sto. Tomas noong June 10, 2022.

Buong caption ni Bianca sa kanilang picture,“Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man. Otherwise it won’t be easy for me to become friends and co parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan.”

Kalakip nito ang isang quote card sa kanyang tweet. Nakasulat dito: “When you destroy someone’s life with lies, take it as a loan, it will come back to you with interest.”

Nakatutuwa si Bianca, ‘di ba? Siyempre, may pinagsamahan at nagkaroon pa ng isang anak. kaya kahit paano ay nagpakita ng suporta si Bianca sa dating minamahal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …