MA at PA
ni Rommel Placente
MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na si Herman “Isko” Salvador, na kilala rin sa tawag na Brod Pete. Inanunsiyo niya ang pagreretiro sa kanyang Facebook account. Ang ibinigay niyang dahilan, laos na siya.
Pero aniya, magpapatuloy pa ang kanyang “singing career” at ang online comedy writing workshop niya para sa mga aspiring writer.
Pahayag niya published as it is, “Yes laos na po ako after 43 yrs sa shobiz as a writer and comedian. Im now retired. Nakakasawa din.
“But i am launching my singing career fyi – to pursue my true love — music!
“Ive tried politics, mas nakakatawa kesa sa komedi ang politika. Di ako pinalad para konsehal- siguro dahil sinabe ko na – para mawala ang baha ipapasemento ko ang marikina river- u dont know soundbytes- anyways – marikina deserves less.
“Btw- i am conducting an online comedy writing workshop/playshop! Sept 3 7pm- via zoom. 1k petot lang- 43 yrs of comedy writing in 3 plus hrs.”
Si Isko ay tumakbo bilang konsehal sa unang distrito ng Marikina City noong nakaraang eleksiyon, May 9, 2022, pero hindi siya pinalad. Kaya siguro nasabi niyang laos na siya, na naging dahilan para talikuran na ang showbiz.