WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Ang pahayag ni Angeles ay kasunod ng mga pagbatikos sa magarbong 93rd birthday party ni dating Unang Ginang Imelda Marcos noong Sabado, 2 Hulyo 2022, sa Malacañang.
Nangangamba ang mga kritiko na maging madalas ulit ang mga private party sa Palasyo gaya nang naging hilig ni Gng. Marcos noong rehimen ng asawa niyang diktador, Ferdinand E. Marcos, Sr.
Sinabi ni Angeles, hindi magmamalabis si Marcos Jr., sa poder at susunod sa itinatadhana ng batas.
“We assure you that the President will adhere to law and so that is the presumption. We will… The President does — no directive in excess of anything that is written in the law,” ani Angeles. (ROSE NOVENARIO)