Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Faye Tangonan Lester Paul Recirdo

Faye Tangonan,  enjoy sa muling pagharap sa camera

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPAGPAPATULOY nina Faye Tangonan at Direk Romm Burlat ang shooting ng pelikulang Bakit Nasa Huli Ang Simula? na natigil dahil sa pandemic.

Kuwento ni Ms. Faye, “For now, we’re planning to resume the shooting of our last movie with direk Romm. Together with William Martinez, Lance Raymundo, Lester Paul Recirdo and a lot more.

“Mas confident na akong mag-resume kami ng shooting, since medyo safe na talaga regarding Covid 19. I’m just so glad we’re slowly getting back to normal.”

Nabanggit din niyang nag-eenjoy siya sa muling pagharap sa camera. “Yes, nag-eenjoy ako sa muling pagharap sa camera. I’m just so thrilled to do another movie again. I feel so honored and blessed,” aniya.

Nalaman din namin sa kanya na bukod dito, may niluluto rin silang bagong pelikula na ang title ay Bakal na Bulaklak na plano nilang gawin sa October. Ang ilan sa napipisil na maging bahagi nito ay sina Teresa Loyzaga, Faye, Lovely Rivero, Jay Manalo, at Neil Perez.

Mas magiging active na ba siya ulit sa kanyang acting career? Wika niya, “Yes po. We have an upcoming project with direk Romm Burlat.”

Ito ba ‘yung continuation ng Bakit Nasa Huli Ang Simula? “Nope po, it’s a different film,” matipid na saad ng seksing-seksing aktres/producer.

Nagkuwento rin ang beauty queen-turned actress ng hinggil sa kanyang foundation.

“I am actually launching my foundation and our very own, ‘Global Distinction Awards’ which aims to recognize exemplary, outstanding and distinguished people who have made a name in the national and international arena.

“Nominations are still going on. Our event is tentatively scheduled on September 10, 2022 in Okada Manila,” pakli ni Ms Faye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …