I-FLEX
ni Jun Nardo
TATLONG Kapuso actress ang isasabong kay Charo Santos sa finale week ng First Lady.
Magkakaroon ng special participation sa First Lady sina Glaiza de Castro, Carla Abellana, at Rabiya Mateo.
Explosive ang finale ng First Lady at inaabangan ng manonood ang parusang sasapitin ni Alegra Trinidad (Isabel Rivas) pati na ang mga kaibigang Ambrosia (Samantha Lopez) at Marni (Glenda Garcia).
May netizens na humihiling ng part 3 ng high-rating Kapuso series pero mukhang pahinga na muna ito dahil ipapalit dito ang adventure serye na Lolong ni Ruru Madrid simula sa July 4.