Sunday , December 22 2024
UMak Chess Team
Ang University of Makati (UMAK) Herons varsity chess team na tinanghal na overall champion sa pangunguna nina UMAK Herons chess coach Clark "CJ" Dela Torre, team captain Japeth Jay Tandoc at assistant team captain Theresa Saquilayan.

UMak kampeon sa ched sports friendship games

TINANGHAL na overall champion ang  University of Makati (UMAK) Herons varsity chess team  sa katatapos na national chess tournament ng Commission on Higher Education (CHED) Sports Friendship Games 2022 Team na ginanap nitong Hunyo 23 hanggang 25 sa Quezon Memorial CIrcle sa Quezon City.

Pinangunahan ni team captain Japeth Jay Tandoc, ang UMAK Herons team ay giniba ang matindi nilang katunggali  mula sa mula sa iba’t ibang eskuwelahan  ng Commission on Higher Education matapos ang tatlong araw ng kompetisyon na ipinatupad ang standard time control format of 60 minutes + 16 seconds increment.

Ang iba pang miyembro ng team ay sina  Joshua Abrera, Vincent Mariano, Joshua Francisco, Ariel Joven Jereos , Lyle Oliver Nabual at assistant team captain Theresa Saquilayan.

Sa ilalim ng pagtitimon  ni coach  Clark “CJ” Dela Torre, ang varsity chess team ay nagbigay ng karangalan  sa UMAK Herons na suportado nina UMAK OIC President Elyxzur C. Ramos, UMAK Vice President for Student Services and Community Development Prof. Virgilio B. Tabbu, UMAK Director, Athletic Development Center DIR. Dominador B.Lera at Makati City Mayor Mar-len Abigail “Abby” Sombillo Binay-Campos.

 “All that hard work and determination really paid off.” sabi ni UMAK Herons chess coach Clark “CJ” Dela Torre.

Pinasalamatan ni coach Dela Torre ang mga sumusunod na opisyales ng UMAK:  ” UMAK OIC President Elyxzur C. Ramos, UMAK Vice President for Student Services and Community Development Prof. Virgilio B. Tabbu, UMAK Director, Athletic Development Center DIR. Dominador B.Lera at  Makati City Mayor Mar-len Abigail “Abby” Sombillo Binay-Campos.

Itinala ng UMAK Herons ang importanteng panalo kontra sa Pateros Technological College, 4-0, sa first round; Pangasinan State University, 3.5-0.5, sa second round;  Don Mariano Marcos Memorial State University, 4-0, sa third round;  Tarlac State University, 3-1, sa fourth round;  Dr. Yanga’s College Inc., 4-0, sa fifth round;  at Technological University of the Philippines, 3.5-0.5, sa sixth at final round.

Kabilang sa ginawaran ng  individual gold medal  sina Board 1 Jacob Sta. Ana ng Tarlac State University, Board 2 Japeth Kay Tandoc ng University of Makati, Board 3 Vincent Mariano ng University of Makati, Board 4 Joshua Francisco ng University of Makati, Board 5 Rica Alcantara ng Don Mariano Marcos Memorial State University.

Tumayong Tournament Director  si National Arbiter Joel Villanueva habang ang Chief Arbiter ay si International Arbiter Patrick Lee. Si Dr. Alfredo Paez naman ang CHED Commissioner in Chess Sports.

-Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …