Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid
Ruru Madrid

Ruru matagal nang pangarap maging action star

RATED R
ni Rommel Gonzales

PROUD si Ruru Madrid sa pagbibidahan niyang Kapuso adventure-action series na Lolong na tatlong taon nilang pinaghandaan. Dahil dito, natupad ang pangarap niya mula pa noong bata na maging action star.

Three years po namin itong pinaghandaan. Doon sa three years na ‘yon nag-Yaw-Yan ako, nag-undergo ako ng arnis, nag-boxing ako. Ang dami kong bagong skills na na-unlock because of this project,” pahayag ni Ruru.

Ito ‘yung masasabi ko na sobrang happy ako, kasi ito ‘yung gusto ko. I mean ever since bata ako pangarap kong maging action star,” dagdag ng Kapuso actor.

So finally nabigyan po ako ng oportunidad para makagawa ng isang teleserye na action. So I’m just very happy to be part of this project,” ayon kay Ruru, na nagpasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA Network.

Many, many times, naaksidente ako rito, napilayan ako, napako ako, ang daming injuries,” sabi ni Ruru.

Natigil pa si Ruru noon sa taping ng Lolong matapos magkaroon ng minor fracture sa kanang paa habang ginagawa ang isang stunt para sa naturang series.

Inilahad din ni Ruru na hamon para sa production team ng Lolong ang pag-shoot ng eksena kay Dakila, ang dambuhalang animatronic na buwaya na pinapagalaw ng 15 hanggang 20 katao.

May nagkokontrol dito, may nagkokontrol diyan. Para talaga siyang robot na kinokontrol ng maraming tao. Sometimes medyo hassle rin for us dahil kapag nagda-dialogue ako, nanginginig ‘yung ‘Ssshh’ (makina) kapag pinipindot, gumagalaw ‘yung ulo niya, bumubuka ‘yung bibig niya. ‘Yun ‘yung hirap namin,” dagdag ni Ruru, na siyang gaganap bilang si Lolong.

Sa audio, kailangan kong i-dub ‘yung ibang mga eksena.”

Dalawa ang leading lady ni Ruru sa Lolong, sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Ipalalabas na ang Lolong sa July 4 sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …