I-FLEX
ni Jun Nardo
MEGASTAR si Sharon Cuneta at senador si Kiko Pangilinan kaya malaking balita ang pag-come out ni Miel Pangilinan bilang “queer” o member ng LGBTQ+.
Pero kung ordinaryong tao lang si Miel, deadma ang reaksiyon ng karamihan.
Good one sa timing ng pag-amin ni Miel sa tunay na feelings, tapos na ang eleksiyon.
Kung ginawa niya ang pag-amin noong kampanyahan, malamang, bugbog-sarado siya sa haters, bashers, at trolls social media.
Eh si Sharon naman, sanay na sa LGBTQ+ sa showbiz. Ang kaibahan nga lang, anak niya ang member nito.
Eh anuman ang totoong damdamin ni Miel, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal nina Shawie, Senator Kiko, at kapatid na si KC Concepcion.
G lang nang G, Miel!