Thursday , December 19 2024
Navotas
Navotas

Ika-12 drug-cleared barangay sa Navotas, binati ni Tiangco

BINATI at pinuri ni Mayor Toby Tiangco ang Brgy. Daanghari bilang 12th barangay sa Navotas na idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Inabot ni Tiangco, kasama ang mga representative mulas sa PDEA at Philippine National Police – Navotas, ang drug-cleared certificate kay Alvin Oliveros, Daanghari barangay chairperson.

“Despite the challenges of the pandemic, Navotas continued its relentless campaign against illegal drugs to keep every Navoteño safe,” pahayag niya.

“We are thankful to all officials and constituents of Brgy. Daanghari for working hand-in-hand to uphold peace and order in our community,” pahayag ng alkalde.

Ang mga barangay na napanatili ang kanilang drug-cleared status ay kinabibilangan ng Bagumbayan North; Bangkulasi; Navotas East at Navotas West; North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-dagatan, NBBS Proper at NBBS Kaunlaran; San Rafael Village; Sipac-Almacen; Tanza I, at Tanza II.

Para maging drug-cleared ang isang barangay, dapat may ginagawang karampatang aksiyon sa drug personalities na nasa unified watchlist, may drug-free workplace, mga opisyal ng barangay na aktibong nagsusulong ng anti-drug campaign at iba pa. 

“The support of our constituents is vital in our anti-drug campaign. Please continue to report to TXT JRT any suspicious individuals or activities. Let us continue to be vigilant and win this fight together,” dagdag ni Tiangco.

Ang Navotas ay mayroong community-based treatment and rehabilitation program na tinatawag na Bidahan, kabilang ang rehabilitation and counselling, at aftercare program sa loob ng anim at 18 buwan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …