Monday , May 12 2025

Babading-bading pero matinik

MAY kumakalat na sex video si Wally Bayola ng Eat Bulaga at isang EB Babes dancer.

Malupit daw ang ‘kangkangan’ nila sa sex video.

Itong si Wally ay babading-bading sa Eat Bulaga.

Pero lintek pala ang mamang kalbong ito, masahol pa sa torero.

Trending ang ganitong kababuyan sa showbiz.

***

Kaya lagi kong ipinapayo sa mga kababaihan na masyadong malapit sa mga bading.

Kaiingat kayo mga iha.

Baka bading-badingan lang ang mga ‘yan.

Kamukat-mukat, natsuktsak ka na.

***

Nagiging trending din sa mga high profile suspect ang pagsasakit-sakitan.

Nagdadrama-dramahang may sakit para payagan ng korte na ma-hospital arrest.

Gaya ni Janet Lim-Napoles na utak ng P10-B pork barrel scam, inuumpisahan na ng kanyang mga abogado ang senaryo ukol sa masama umanong kondisyon ng kanyang kalusugan.

Inilulutang ang paglitaw umano ng kung ano-anong sakit umano niya kaya hindi na tayo magtataka kung biglang ihirit ng kanyang kampo ang hospital arrest sa akusado.

Malaking insulto na naman sa taumbayan kung mangyayari ito.

***

Madali lang naman pala magpasuko ng malaking isdang kriminal kung gugustuhin ng ating Pangulo.

Siya mismo ang maglabas ng patong sa ulo ng wanted criminal at presto, lalabas na agad.

Si Napoles ay sumuko nang magpatong si PNoy ng P10 milyon sa kanyang pagkakadakip.

Gawin din sana ito ni PNoy sa mga kriminal na pumatay sa mga kasamahan namin sa media na hanggang ngayon ay hindi makakita ng hustisya.

***

Sineseguro lang daw ng Malakanyang ang seguridad ni Napoles dahil malalaking isda ang mabibingwit kung tetestigo ito ukol sa porkl barrel scam.

Hindi kaya ang sineguro ng Malakanyang ay huwag makaladkad ni Napoles ang mga kakampi sa politika ni PNoy?

At hindi kaya ang sineguro ni PNoy ay matarget lamang ni Napoles ang mga hindi kapartido na nagpapakita na ng lakas para sa 2016 presidential elections?

Hindi maganda ‘yan.

***

Tama ang pagtaya ng marami na delikado na ang karera nina Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile dahil nadawit sila sa pork barrel scam.

Sina Jinggoy at Bong ay kapwa vice presidential wannabe ng oposisyon. Si Enrile naman ay kinikilalang lider ng UNA kaya anumang kasiraan niya ay damay ang partido.

Pero hindi ibig sabihin nito ay mabangong-mabango na si DILG Sec. Mar Roxas na ambisyon pa rin maging pangulo ng bansa sa 2016 bilang manok ni PNoy.

Huwag naman sanang magkatotoo ang sapantaha na ang isyu sa pork barrel ay simula ng giyera ng administrasyon at oposisyon para sa darating na halalan.

Nats Taboy

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *