HANOI—Iniangat ni Philppine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez ang kumpiyansa ng Filipino Athletes mula sa beach handball, at kickboxing sa kanilang misyon na makasungkit ng medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
Binisita ni Fernandez, ang Team Philppines chef de mission sa laro, ang mga Pinoy athletes para magbigay ng ‘inspirational talk’ para mag-compete sa pinakamataas na level para sa kapakanan ng bansa.
“Our athletes have prepared well for the SEA Games, and I trust that all of them will put in their best effort to deliver those medals,’’ sabi ni Fernandez.
Ibinigay naman ng PSC staff ang allowances ng teams at siniguro na ang sports agency ng gobyerno ay magbibigay ng assistance sa mga atleta at coaches na kinakailangan.
Dumating din sa Hanoi ang men’s football team. Ang teams mula sa women’s football, kurash/judo, rowing , at diving ay dumating na rin nung Biyernes, anim na araw bago ang opening ceremony sa Hanoi, Vietnam Games sa May 12.
PInopondohan ng PSC ang kabuuang partisipasyon ng 879-strong Philippine delegation, kasama ang 641 athletes and 238 officials na may misyong makasungkit ng malaking bahagi ng gintong medalya na nakataya sa 39 ng 40 sports sa SEA Games program.
Ang Team Philippines ang defending overall champion ng 11-nation sportsfest sa 2019 SEA Games na ang bansa ang siyang naging host. Sumungkit tayo sa nasabing kompetisyon ng 149 gold meadals, 117 silvers, at 121 bronzes para mapasaatin ang second overall title pagkaraang tayo rin ang nagkempeon noong 2005 Manila.