MATABIL
ni John Fontanilla
MAGBABANTAY at hindi matutulog si Robin Padilla para bantayan ang botoni BBM.
Ito ang sinabi ni Robin sa miting de abanse ng UniTeam noong Sabado na inilarawan nito ang sarili na isang palaban katulad ng isang rebolusyonaryo.
Ayon kay Robin, “Kanina ho, artista tayo, ngayon, rebolusyonaryo na. Walang tulugan ‘to. Mga kababayan, tama na ang pakikialam ng mga dayuhan! Sa pagkakataong ito, tumindig tayo bilang mga Filipino.