SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAALIW kami sa viral video nina presidential candidate Ping Lacson at vice presidential candidate Tito Sotto nang maki-paro-paro G kahapon ng umaga sa kanilang mga supporter.
Sa-video na ibinahagi, practice iyon ng Ping-Sotto tandem sa pagsayaw ng paro-paro G na isa sa kinahuhumalingang sayaw sa Tiktok ngayon.
Aba, walang sinabi ang mga bagets kina Ping at Sotto sa kanilang paggiling. Kaya marami ang naaliw sa kanila.
Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Ciara Sotto si Baguio Mayor Benjamin Magalong sa suportang ibinibigay nito sa Lacson-Sotto tandem. Inihayag niya ito nang sumama para ikampanya ang presidential bet niyang si Ping at daddy niyang si Tito na kandidatong vice president.
Sa video post niya sa Instagram, makikita ang saya ni Ciara sa mainit na pagtanggap sa kanilang Lacson-Sotto tandem sa Baguio City kamakailan.
“Thank you so much Mayor Magalong of Baguio City for taking us on a walking tour of the iconic Session Road. Thank you so much also, for your unwavering support for the #LacsonSotto tandem,” caption ni Ciaa sa video post.
Para kay Magalong, sina Lacson at Sotto ang kailangang lider ng Pilipinas na may malaking problema dahil malawak ang karanasan sa pamumuno at may magandang plataporma ang dalawa.
Aniya parang nasa kumunoy ang Pilipinas kaya hindi dapat magbakasakali na subukan ang ibang lider dahil anim na taon ang masasayang upang makaahon ang bansa sa napakaraming problema. Kabilang diyan ang malaki nating utang na dapat bayaran.
Maging si Pauleen Luna ay nag-post din sa kanyang IG account ng pagsuporta sa tandem nina Ping at Sotto. Tinawag niyang “men of integrity” ang dalawa.
“My hope is in these two men! Men who fear the Lord, men who values their families, puts our countrymen’s needs first and implements discipline. Men of integrity,” caption ni Pauleen sa picture na itinaas ni Vic Sotto ang kamay nina Lacson at Tito Sen.
“Two of the most experienced, with 42 years of public service (their years put together) i believe that they are who our country needs. True leaders lead by example! Competent, passionate, transparent and God fearing,” sambit pa ng maybahay ni Bossing Vic.