RATED R
ni Rommel Gonzales
BAGONG dagdag sa cast members ng First Lady sina Samantha Lopez, Isabel Rivas, Francine Prieto, at Shyr Valdez.
“Bago” dahil hindi sila kasali sa First Yaya na umere last year at programang “pinagmulan” ng First Lady na serye na umeere ngayon sa GMA.
Gaganap bilang kontrabida ang apat; former first ladies sina Samantha (bilang Ambrocia Bolivar), Isabel (bilang Allegra Trinidad), Francine (bilang Soledad Cortez), at si Shyr naman bilang beteranang household staff na si Sioning.
Silang apat ang baguhang karakter na magmamaldita sa First Lady na si Melody Reyes-Acosta (Sanya Lopez) na asawa naman ng Presidente ng Pilipinas na si Glenn Acosta (Gabby Concepcion).
Tinanong namin sina Samantha, Isabel, at Francine kung ano ang challenge sa mga karakter nila sa serye ng GMA?
“Ang number one challenge ko na api-apihin si Sanya ay talagang mahirap kasi napakabait, napaka-sweet, walang kaere-ere, walang kadiva-diva, whatever sa katawan.
“So para apihin mo siya, pahrang nang-aapi ka ng isang baby, ng virgin, so ‘yun ang for me ang isa sa challenge.
“But rapport-wise, kasi kaming tatlo [nina Isabel at Francine] ang ganda ng timing namin, for some reason nagsu-swak ‘yung mga tono, siguro dahil of course, sa direksyon na rin ng ating batikan at magaling na direktor.
“So, so far iyon ang challenge ko na apihin ‘yung ating First Yaya now First Lady,” ang pahayag ni Samantha.