Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mikael Daez Megan Young The Best Ka

Mikael naka-jackpot kahit natengga ng matagal 

RATED R
ni Rommel Gonzales

HULING napanood si Mikael Daez sa Love Of My Life na umere sa GMA simula noong February 2020 at nagtapos noong March 2021. Pansamantalang nahinto ang show dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19 pandemic.

Hindi naman nagkaroon ng pagtatanong sa isip niya si Mikael kung bakit medyo matagal siyang walang show sa GMA.

“No, wala naman. I think on me and Megan’s part, natakot din kami kasi roon sa pandemic, alam naman natin health and safety protocols tapos hindi natin alam kung anong mangyayari.

“Andami ring natengga, andaming natenggang shows because of different external factors so, para sa akin it’s just understanding kung ano ‘yung sitwasyon.

“And now that the past is behind us we just look forward to the future. So, andito tayo ngayon, we have ‘The Best Ka!’ I’m enjoying, I just saw the full trailer and mas na-excite pa ako. So I’m really, really excited!”

Solo and main host si Mikael sa The Best Ka! na mapapanood ang mga best ng Guinness Book of World Records.

Eere ang The Best Ka! sa GMA-7 simula sa darating na Linggo, February 20, 2022, 3:50 p.m.. Sa direksiyon ni Tata Betita, guest co-host ni Mikael ang misis niyang Miss World 2013 na si Megan Young sa una at pangalawang episodes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …