Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Barbie Imperial

Diego sinusuyong muli si Barbie

MA at PA
ni Rommel Placente

KINOMPIRMA na ni Barbie Imperial sa isang interview na break na sila ni Diego Loyzaga. At sa pakikipaghiwalay niya rito ay may natutunan siya pagdating sa pag-ibig o pakikipagrelasyon. Na ayon sa kanya ay dapat munang unahin niyang mahalin ang sarili.

Sabi ni Barbie, “Natutunan ko na baka kaya paulit-ulit nangyayari sa akin to kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko.

“It’s like all the same stories each boyfriend. So for me parang, what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ang mahalin ko.”

Kung si Barbie ay kinompirma ang hiwalayan nila ni Diego, ang aktor naman sa nakaraang interview niya para sa pelikulang ginawa niya ay hindi nagsalita na wala na sila ni Barbie. Wala naman kasing nangahas magtanong sa kanya tungkol dito.

Pero how true, na nakikipagbalikan si Diego kay Barbie? Mahal pa umano kasi ng una ang huli kaya gusto nito na maayos ang naputol na relasyon nila ng aktres.

Well, kung totoo man ito, bigyan kaya ng second chance ni Barbie ang relasyon nila ni Diego? Makipagbalikan pa kaya siya rito? 

Posible namang mangyari ‘yun kung mahal pa ni Barbie si Deigo. Pero kung hindi na o wala na siyang feelings sa binata ni Cesar Montano, malayo na siyang makipagbalikan pa rito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …