Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola

Ayanna Misola nabigla sa pagbibida — ‘Di pa kasi nagsi-sink-in na artista na ako

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GRATEFUL si Ayanna Misola sa Viva dahil pagkatapos siyang ipakilala sa mga pelikulang Pornstar2 Pangalawang Putok at Siklo na napapanood sa Vivamax, kaagad siyang binigyang pagkakataon para makapagbida at maipakita ang tapang hindi lamang sa pagpapa-sexy kundi ang husay sa pag-arte. Ito ay sa pamamagitan ng Kinsenas, Katapusan na pinamahalaan ni direk GB Sampedro.

Nagpapasalamat din si Ayanna dahil inalalayan siya nina Joko Diaz at Kier Legaspi lalo na sa mga maseselang tagpo.   

I feel so blessed dahil baguhan lang ako tapos may launching film na agad. Aware naman ako na hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong opportunity kaya very grateful 

 ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng Viva,” sambit ni Ayanna na ang tema ng Kinsenas, Katapusan ay isang sexy-psycho-thriller na mapapanood na sa February 4 sa Vivamax.

Inamin ni Ayanna na hindi pa niya naiisip na isa na talaga siyang artista. “Medyo nabibigla ako dahil hindi pa nagsi-sink in sa akin na artista na talaga ako. Marami   akong mga upcoming project this year sa Vivamax na malayo talaga sa character ko in real life, pero game lang,” masayang paglalahad ng baguhang aktres.

Hindi naman nag-aalala si Ayanna na hindi katanggap-tanggap sa kanyang pamilya ag kanyang pagpapa-sexy. Aniya, “Tanggap ng family ko kung ano ‘yung pinasok ko. Naniniwala naman sila na stepping stone ko lang ‘yung mga ginagawa ko ngayon at darating ang araw na hindi ko na kailangang maghubad sa pelikula,” paliwanag nito.

Bukod kina Joko, Kier, at Ayanna, kasama rin sa pelikula sina Janelle Tee, Angela Morena, at Jamilla Obispo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kim Molina Jerald Napoles RC Delos Reyes

Kim at Jerald huling pelikula Wonderful Nightmare bago ang  kasal sa Marso

ni Allan Sancon MULING magsasama sina  Kim Molina at Jerald  Napoles sa Filipino adaptation ng Korean hit na Wonderful Nightmare na idinirehe …

ChiChi Rita Ai Ai Delas Alas

ChiChi Rita naiyak nang makasama si Ai Ai

HINDI napigilang maiyak ng komedyanang si ChiChi Rita sa presscon ng pelikulang Batang Paco ng MiVida Productions at pinagbibidahan nina Ai Ai …

Cristine Reyes Gio Tiongson

Cristine Reyes kakaririn pagsusulat ng script

MATABILni John Fontanilla MUKHANG balak na ring pasukin ng Viva artist na si Cristine Reyes ang pagsusulat ng script. …

Onemig Bondoc Aiko Melendez Ogie Diaz

Ogie kinompirma Onemig at Aiko mag on na

MA at PAni Rommel Placente NANG tanungin namin si Onemig Bondoc kung sila na ba ni Aiko Melendez, …

Matteo Guidicelli Kim Chiu

Matteo puring-puri pagiging matulungin ni Kim

MA at PAni Rommel Placente PERSONAL na nagpunta sa Cebu City last year ang isa …