Sunday , February 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Puganteng kawatan sa Mabalacat nasukol

NADAKIP ng mga awtoridad ang itinuturing top 1 most wanted person (MWP) ng lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Sabado, 15 Enero.

Armado ng warrant of arrest, nagsadya ang pinagsanib na elemento ng Mabalacat City Police Station na pinamumunuan ng kanilang hepeng si P/Lt. Col. Heryl Bruno, 302nd MC RMFB-3 Polar base, 2nd PMFC Mabalacat Patrol Base at Naval Intelligence Security Group- North Luzon sa Madapdap Resettlement, Brgy. Dapdap, sa nabanggit na lungsod, kung saan nila nadampot ang suspek na kinilalang si Kenneth Samia, residente sa naturang lugar.

Inaresto si Samia sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong “Robbery in an inhabited house or public building or edifice devoted to worship” na walang itinakdang piyansa na nilagdaan presiding judge Rodrigo Del Rosario, ng Angeles City RTC Branch 11, may petsang 15 Disyembre 2021. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Digital Payment Money

Negosyanteng kidnap victim nasagip
Kidnappers natunton sa digital payment

ARESTADO ang tatlong suspek at matagumpay na nasagip ng mga awtoridad sa lungsod Quezon ang …

prison shadow

PDL nakapuga sa provincial jail

KASALUKUYANG nagsasagawa ng pinaigting na manhunt operation ang pulisya matapos makatakas ang isang PDL (person …

PLA Air Force Aviation Plane

Sa Zambales
Jet fighter pilot ng China tiklo sa pag-eespiya

KINOMPIRMA ni National Security Adviser Eduardo Año ang ginawang pag-aresto sa isang Mongolian national na …

Norzagaray Bulacan police PNP

2 bagitong motornapper timbog sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang lalaking sangkot sa kasong pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. …

LTO Land Transportation Office

Patakaran sa pagmamaneho nilabag
3 driving schools sa Tarlac pinatawan ng parusa ng LTO

PINATAWAN ng parusa ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong driving school sa lalawigan Tarlac …