Tuesday , May 13 2025
Liza Soberano, Enrique Gil, Lizquen

Lizquen ‘di nakasama sa ABS-CBN christmas special

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HINDI nakadalo sina Liza Soberano at Enrique Gil sa ginanap na Andito Tayo Para sa Isa’t Isa ABS-CBN Christmas Special nitong Sabado ng gabi na ginawa sa Studio 10 dahil nagkaroon siya ng emergency call mula sa Amerika na naka-base ang ina at lola nitong nagpalaki sa kanya.

Base sa tweet ng aktres, ”Hello everyone! As much as @itsenriquegil and I would’ve loved to be at the ABS-CBN Christmas Special this year, we won’t be able to make it due to unforeseen circumstances. We really wanted to be there for all of you and we were ecstatic to see our Kapamilya whom we missed.”

Sabi pa, ”dearly, actually we were just at ABS-CBN yesterday recording for tonight’e event.  I received a call from my family in the States yesterday right after recording and I was told that may great grandma Bobbie wasn’t doing so well.

“She was one of the people who raised me back when I was in America and I wouldn’t miss being with her during tough times for the world.  Please include her and the rest of our family in your prayers.  Thank you so much for understanding.  Love you all.”

Iisa naman ang reply ng fans ng LizQuen na dapat ay unahin talaga ang pamilya.

Base naman sa napagtanungan namin, lumipad pa-US si Liza at hindi naman nabanggit kung kasama niyang umalis ang boyfriend na si Enrique.

Baka naman kasi knowing Quen na laging nasa tabi lagi ni Liza sa lahat ng oras kapag may mga ganitong sitwasyon.

Mula sa Hataw, hangad namin ang agarang paggaling ng lola Bobbie ni Liza.

About Reggee Bonoan

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Benjie Paras

Benjie inamin kay Koring kung saan kumapit para makaahon sa kahirapan

TODO hataw ang chikahan marathon ng beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa brand new episode …

Puregold Nasa Atin Ang Panalo OPM Con 2025 SB19, BINI G22 KAIA Skusta Clee Flow G Sunkissed Lola

Puregold Nasa Atin ang Panalo magtatampok ng mga bagong musikero at mga pasabog

ITATAMPOK muli ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Filipino, sa mga nagmamahal …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …