Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Beatriz Bermundo, Little Miss Universe 2021

Marianne Beatriz Bermundo natulala naiyak nang manalong Little Miss Universe 2021

HINDI man pinalad si Beatrice Luigi Gomez na maiuwi ang korona sa katatapos na Miss Universe 2021, waging-wagi naman ang naging pambato ng Pilipinas sa Little Miss Universe 2021 na si Marianne Beatriz Bermundo dahil siya ang nakapag-uwi ng korona mula Tbilisi Georgia, Europe.

Very proud nga si Marianne sa achievement niyang ito na aminadong hindi agad nag-sink-in ang pagkapanalo. Kaya naman nang tawagin ang kanyang pangalan, inamin niyang natulala siya ng ilang segundo.

“When my title was announced I couldn’t move from my seat. When I finally got to the front, after a minute or two  that’s when I realized na I have achieved this part of my dream and I’m kind of crying. I was actually looking at the cameras and after a while that’s when I realized na I’m the winner,” kuwento ni Marianne sa isinagawang welcome party sa kanya na pinangunahan ni Ayen Cas ng Aspire Magazine at ALTA Talent Management.

Si Marianne, 14, ang kauna-unahang teen na nagrepresent sa ating bansa sa naturang beauty pageant.

“I would like to dedicate my crown to all of those who believed in me and supported me since day 1,” anito na ganoon na lamang ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mr & Mrs Mark Donald and Virginia Bermundo.

“I’m very thankful to my parents for making my dreams come true. Without them I wouldn’t be here. If they weren’t supported me I wouldn’t be Little Miss Universe,” pahayag pa ng pangatlo sa apat na magkakapatid.

Thankful din si Marianne kina Ayen at Rodin Flores ng Kagandahang Flores na nagbigay sa kanya ng pointers para sa runway kaya naman nagwagi rin siya ng special award na Best in Fashion Show.

Umaasa si Marianne na makakasali siya sa Binibining Pilipinas pagdating ng tamang panahon para makapag-compete rin siya sa Miss Universe pageant.

“I’m hoping na I can join the Binibining Pilipinas then Miss Universe na,” aniya na gusto ring mag-artista at makatrabaho sina Marian Rivera at Daniel Padilla.

Idolo naman niya si Catriona Gray sa mga beauty queen at ang Miss Universe 2018 ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon para maging beauty queen din.

Hindi naman makalilimutan ni Marianne ang experience niya sa pagsali sa Little Miss Universe dahil, “It’s explore my dreams, my passion and being able to inspire other people is really a dream come true.”

Edad 11 pa lang si Marianne nang nag-umpisa siyang sumali sa mga local beauty pageant.

Sa huli sinabi ni Marianne na, ”gagawin niya ang lahat at tama para maging role model sa universe.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …