Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera, Gal Gadot

Marian tuloy sa Miss Universe; Wish ma-meet si Gal Gadot

I-FLEX
ni Jun Nardo

PANGARAP ni Marian Rivera na ma-meet nang personal si Wonder Woman Gal Gadot sakaling mabibigyan ng pagkakataon.

Opisyal nang member ng Selection Committee si Marian sa 2021 Miss Universe na gaganapin sa Israel. Eh, Israeli actress at model si Gal bago napiling Wonder Woman sa Hollywood.

“Kikiligin siyempre ako dahil fan niya ako. Exciting ‘yon kung sakali!” pahayag ni Yan sa official announcement niya sa virtual mediacon.

First time bibiyahe si Marian mula nang magkaroon ng pandemic. Iiwan niya ang mga anak na sina Zia at Sixto.

“Malaking karangalan ang dumating sa akin. I’m sure maiintidihan nila ‘yon paglaki nila,” rason ng GMA Primetie Queen.

Ano naman sey niya sa haters at bashers niyang bumabatikos sa pagsasalita ng English?

“You cannot please everybody!” bulalas niya.

Ngayong araw, December 6, ang alis ni Marian patungong Israel at walo ang kasama niya at bitbit na gowns/cocktail dresses na isusuot.

Sa Pilipinas magpa-Pasko si Yan kasama ang pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …