Tuesday , December 24 2024

Quarantine sa isolation room
2 OPISYAL NG PHARMALLY ‘HOYO’ SA PASAY CITY JAIL

113021 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

NASA kamay na ng Pasay Bureau of  Jail Management and Penology (BJMP) ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Linconn Ong at Mohit Dargani.

Mismong ang mga tauhan ng Office of Sargent at Arms (OSSA) ang naghatid at nag-turnover sa Pasay BJMP kina Ong at Dargani.

Bago dinala sa Pasay Custodial Center ang dalawa, sumailalim muna sa anti-gen test at medical check-up sa pangunguna ni  Dr. Renato Sison ng Senate Medical and Dental Bureau upang matiyak na wala silang CoVid 19 at maayos ang kanilang kalusugan.

Kasama ni Ong at Dargani na tumungo sa Pasay BJMP mula sa senado ang abogadong si Atty. Donn Rico Kapunan.

Dinala ng OSSA ang dalawang opisyal ng Pharmally matapos magpalabas ng commitment order si Senate President Vicente “Tito” Sotto III batay sa kahilingan ng pinuno ng Blue Ribbon Committee na si Senador Richard Gordon.

Bagamat naunang inihayag ni Gordon na ililipat sa kulungan sa Pasay si Ong at ang magkapatid na Dargani na sina Mohit at Twinkle, nanatili at naiwan sa kustodiya ng senado ang kapatid ni Mohit na si Twinkle Dargani.

Nabuo ang rekomendasyon ni Gordon na ilipat sila ng kulangan nang mabigong ma-produce ang mga dokumentong hinihingi ng mga senador ukol sa transaksiyon ng kanilang kompanya sa pamahalaan.

Magugunitang hinuli ng mga tauhan ng OSSA ang magkapatid na Dargani at si Ong matapos i-contempt ng senado, kasunod ang pagpapalabas ng arrest order.

Ang magkapatid na Dargani ay naaresto ng OSSA nang pigilin sa tangkang paglabas ng bansa sakay ng isang private plane.


2 OPISYAL
NG PHARMALLY
‘DI BIBIGYAN
NG VIP TREATMENT
— BJMP

TINIYAK ng isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang special treatment na ibibigay ang Pasay City Jail sa dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, na inilipat sa naturang bilangguan nitong Lunes ng hapon, sa utos ng Senado.

Sa isang pahayag, sinabi ni BJMP spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, handa ang Pasay City Jail para tanggapin sina Lincoln Ong, director ng Pharmally, at Mohit Dargani, corporate secretary at treasurer ng kompanya.

Pagtitiyak ni Solda, walang special treatment na ipagkakaloob sa naturang Pharmally officials sa panahon ng kanilang pananatili sa Pasay City Jail dahil polisiya aniya ng BJMP na bigyan ng pantay-pantay na pagtrato ang lahat ng persons deprived of liberty (PDLs).

“Walang special treatment. Walang preferential attention para sa kanila. Ang policy ng BJMP, pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng PDLs, patas na pagmamalasakit sa lahat,” ani Solda.

Aniya, ang bilangguan ay walang hiwalay na pasilidad maliban sa isolation area para sa mga newly committed PDL, na bahagi ng health and security procedures na inoobserbahan sa mga bilangguan.

Sinabi ni Solda, mayroong mandatory quarantine period na 10-14 days sa mga preso, at matapos ito, ang mga bagong lipat na indibiduwal ay itatalaga sa selda ng general population.

Nabatid, ang Pasay City Jail ay isang 1000% congested facility at sa kasalukuyan ay mayroon umanong kabuuang 1,104 preso.

Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nilagdaan niya ang isang kautusan na naglilipat kina Dargani at Ong sa kustodiya ng Pasay city jail matapos ipakulong dahil sa pagkabigong magharap ng financial documents sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ang Senado ang nag-iimbestiga sa transaksiyon ng kompanya sa pamahalaan kaugnay ng kontrata nitong bilyon-bilyong overpriced medical equipment bilang proteksiyon laban sa CoVid-19.

Inihanda na ng Pasay city jail ang pasilidad para sa paglilipat ng Pharmally executives na sina Mohit Dargani, corporate secretary, at si Linconn Ong, director, kung saan mananatili sila ng 10-14 araw bago ilipat sa regular na selda.

Ang Pasay city jail ay may kabuuang 1,140 bilanggo, wala umanong hiwalay na pasilidad maliban sa isolation area na inilaan para sa bagong pasok na preso bilang bahagi ng health protocols na ipinatutupad sa kulungan. (ALMAR DANGUILAN, may kasama ulat ni Gina Garcia)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …