Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ali Forbes Shido Roxas Winwyn Marquez

Ali Forbes, tiniyak na maraming pasabog ang pelikulang Nelia

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Ali Forbes na magkahalong saya at excitement ang naramdaman niya nang nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang movie nilang Nelia.

Ito’y mula sa A and Q Productions Films Incorporated at pinagbibidahan ni Winwyn Marquez. Kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Shido Roxas, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.

Pahayag ng magandang aktres/singer, “Grabe, sobrang overwhelming po dahil noong March pa po namin ito nagawa. Actually, yung A & Q Production, initial venture nila ito, tapos ay iniisip nila kung saan ipapalabas dahil wala pa nga po tayong mga sinehan noong time na iyon.

“Hindi po namin expected na out of 19 movies ay pumasok po yung Nelia, kaya sobrang overwhling po, nakakatuwa dahil ang pagod po siyempre ng aming producer, mga staff, at mga artista, sulit po, parang gumaan pa lalo ang aming pakiramdam.

“Sobrang saya ko po na nakapasok ang Nelia sa MMFF. Super-excited na ako na mapanood ito ng ating mga kababayan. Dahil kakaiba yung kuwento po, magugulat sila sa mga twist ng movie.”

Dagdag pa ni Ali, “Dapat po na huwag nilang palagpasin itong Nelia at unahin sana nilang panoorin sa filmfest dahil ito ang movie na lalaruin ang imagination ng viewers.”

Ano ang role niya sa movie?

Tugon ni Ali, “Ang role ko po rito is nurse Ana, isa po ako sa kasama ni Nelia, which is Wynwyn Marquez sa hospital. Kasama rin po namin si Sir Raymond Bagatsing, na siyang aming Dr. Rey doon.

“Si Ana actually ay kakakaiba siya, parang misteryosa yung character niya at isa siya sa magbibigay ng twist doon sa movie. So, abangan nyo po iyan.

“Gusto ko lang din pong i-share na rito sa pelikulang Nelia, may ginawa po akong never ko pang ginawa, mapa-TV man or sa movie man. Kaya sana po ay suportahan ninyo.

“Saka, lagi ko pong sinasabi na sulit po talaga kapag napanood ninyo, dahil napakagandang movie po nitong Nelia.”

Pahabol na kuwento pa ni Ali, “Ang Nelia po ay suspense-thriller po siya … at saka ito pong kuwento ni Nelia, never ko pang napanood sa movie na sa Filipinas ginawa.

“So, medyo parang Hollywood ang style, iba talaga siya. Iyong akala mo, kunwari iisipin mo na horror ba ito? Pero kapag pinapanood mo, parang hindi naman… tapos iisipin mo na parang suspense ba ito? Marami siyang twist, sobrang dami niyang twist.

“At saka every now and then, may mga surprise po na lumalabas sa movie, kaya naniniwala po ako na matutuwa po ang ating audience kapag nakapanood sila ng Nelia.”

Ano ang kanyang mabigat na eksena rito na puwedeng mapansin sa awards’ night ng MMFF?

“Ayaw kong maging spoiler, pero may ginawa kaming eksena ni Sir Raymond na ibang-iba talaga at bago ko nagawa ang eksenang iyon, isang deep breath ang aking ginawa. Kaya talagang kailangan nyo po itong panoorin,” bitin na sagot pa ni Ali habang tumatawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …